Apartment sa Dapitan

Tuesday, May 31, 2005

"Wouldn't It Be Nice" ng The Beach Boys

Nakabili ako last week sa Quiapo ng piniratang cd ng "The Best" ng The Beach Boys. Halaga: P25. Paborito kong single ay ang "Wouldn't It Be Nice" na ginamit sa German film na Das Experiment.

Salamat kina Kenneth Guda ng Pinoy Weekly at Joms Salvador ng Gabriela-Youth ay napanood ko three or four years ago ang Das Experiment. Hanggang ngayon ay di ko pa rin naisosoli ang piniratang VCD copy ng nasabing pelikula. Last year, ipinapanood ko sa mga klase ko sa Humanidades I sa UP Diliman ang naturang pelikula at na-shock ang mga estudyante ko dahil sa sobrang violence nito.

Ganito kasi ang Das Experiment. Mayroong isang ahensiya na nagpalabas ng anunsiyo sa diyaryo na naghahanap sila ng mga taong willing magpa-subject sa isang experimento. Psychological experiment ito. Simulation ng isang prison. Babayaran ang mga matatanggap ng malaking pera. Journalist ang isang nag-apply, pero itinago niya ito. Taxi driver rin kasi ang nasabing journalist (yung lalaki sa Run Lola, Run). Big break para makabalik siya sa journalism scene kung mapag-aaralan niyang mabuti ang nasabing proyekto, kaya ang tanging paraan ay ang maging involved dito, first hand. Natanggap yung journalist. Undercover siya. Yung spectacles niya, mayroong built-in camera. Astig.

Dahil prison simulation nga, ang mga natanggap ay pinili kung magiging pulis o prisoner. Yung journalist ay isa sa mga prisoner. Tapos maraming pulis. Anyway, dalawang linggo dapat ang experimento, pero tumagal lang ito ng tatlo o apat na araw dahil nag-takeover ang mga pulis-pulisan at nabulilyaso ang experimento. Napaka-Foucauldian ng nasabing pelikula. Yung omniscient eye sa panoptics ni Michel Foucault ay mahihibo sa nasabing pelikula -- nagpapaalala na sila ay nasa lilim at lawas ng kapangyarihan ng estado. Sa pamamagitan ng 24-hour cameras atbp. Nakabantay ang batas, pero siyempre laging may locus para suwayin ang batas, at iyon ang ginawa ng marami sa mga prisoner.

Tapos, nung mag-takeover yung isang pulis (si Belrus) bilang head ng mga pulis, ipinapatay niya ang mga camera, at nagpatugtog nang malakas (rinig sa buong kulungan) yung pulis na ang totoong trabaho ay impersonator ni Elvis Presley. Pero ang pinatugtog niya ay ang "Wouldn't It Be Nice" ng the Beach Boys. Ginamit ang kanta para pagtakpan o lunurin ang hiyawan ng mga prisoner na binubugbog.

Parang kung paano ginamit ng conjugal dictatorship nina Ferdinand at Imelda Marcos ang insitutsyunalisasyon ng OPM (Original Pilipino Music) -- tulad ng mga awit ni Victor Wood na copycat ng American imperialist music -- para lumalang ng tila masayang kulturang musikal upang lunurin ang samu't saring katiwalian noong panahon ng Batas Militar. At kung paanong sa kasalukuyang panahon, lunod na lunod ang music industry ng Pilipinas sa mga novelty song. Tila ipinapahiwatig na masaya't kaaya-aya ang buhay sa Pilipinas; nilalabusaw ang isyu ng Extended VAT, ang malawak na militarisasyon sa kanayunan, ang sunod-sunod na pagkitil sa buhay ng mga human rights advocates at media(wo)men.

Nakaririnding eskapismo.

Friday, May 27, 2005

Ilang Mga Bagay

1. Tapos na ang summer classes 2005. First time kong magturo ng summer classes kaya medyo kailangan kong mag-adjust sa araw-araw na pagpasok sa klase. Di rin biro ang preparation na kailangang gawin -- kung paano maeengganyo ang mga estudyante na magparticipate para maging mabunga ang mga klase. Natutuwa naman ako sa outcome. For the first time, di ako nagbigay ng INC o 4.0 at wala ring nag-drop. Masaya ako. Sa maikling history ng pagtuturo ko (magti-three years pa lang), di pa ako nagbibigay ng 5.0. At personally, ayoko, dahil sa maraming rason. Una, di mo tiyak kung bakit di pumapasok o nakakapagpasa ng requirements ang isang estudyante. Maraming dahilan. Maaaring walang pera, mahiyain, may problema sa bahay, nagtatrabaho, at kung anu-ano pang dahilan. Dito nga ako siguro nagkakaroon ng scrupulous conscience, na iniisip ko na wala naman talagang tamad na estudyante. Mayroon lang talaga iba't ibang interes at pinagkakaabalahan ang tao. Nagkakatalo na lang kung saan nga ba talaga ginugugol ng isang tao ang kaniyang oras.

(Nung freshie ako sa UP, lagi akong natatakot. Wala akong kakilala nung pumasok ako sa UP. Yung mga kabarkada ko talaga, sa Ateneo at UST at La Salle nagsipag-aral. Kaya nung nagtransfer ako sa UP, di ko na ka-batch yung mga ka-batch ko nung hayskul. Naka-gradweyt na sila. Mukha pa akong frail (na later on dahil sa maputi ako ay napapagkamalan akong intellectual snob), madaling mauto, at laging nabibiktima ng harassment (verbal, physical at sexual) sa klasrum, CR, dyip, bus, MRT, Sunken, at kung saan-saan pa. Parang malaking nunal sa balikat ko ang pagiging maliit, patpatin (noon), at mahiyain kaya lagi akong nadidiskaril sa buhay. Pero mas matapang na ako ngayon. Iyon ang mahalaga.)

Ikalawa, mayroong mga estudyante na di pumapasok o di nagpaparticipate kasi disinteresting ang klase. Walang excitement. Walang fun while learning. Yung stereotypical na klasrum set-up that the only person worth listening to (kuno) ay ang titser. Siyempre di ako naniniwala rito. Sa modern and progressive pedagogical methods, the student has every right to say what s/he thinks and feels necessary to (basta within the context of class discussion). Entitled ang lahat ng tao roon. Hindi ako naniniwala na ang titser ay laging tama. Na ang titser lang ang tama pagdating sa klase. Ito ang natutunan ko sa pag-aaral ko sa UP, na ang pag-aaral ay di nakasentro sa guro lamang. Dapat alamin ang kiliti, interes, pilosopiya at hangarin ng estudyante para maging epektibo ang dialogic characteristic ng isang transformative education.

2. Mula dito sa room ko sa FC 3009, nakikita ko ang bumbunan ng Fire Trees. Ang ganda. Sa gitna ng lush green ng ibang mga puno ay nagsta-standout ang mga pulang bulaklak ng fire trees. Ang galing.

3. Masaya pala ako kasi may internet na ako rito sa loob ng FC 3009. Ikinabit na Kuya Obet ng CAL Dean's Office kahapon. Yehey! Bawal nga lang mag-surf ng mga bastos. Hehehe.

4. Nagpunta na si J kaninang 7am sa Convergys sa Makati para sa unang araw ng training.

5. Hinihintay kong kumonti ang tao sa Land Bank para makapag-withdraw ako ng pera.

6. Nagugutom na ako. Kaya lang wala akong kasabay kumain.

7. There's an interesting blog www.ihatemyflatmate.blogspot.com. Rantings ito ng isang tao tungkol sa kanyang flatmate. Everyday ay mayroon siyang entry tungkol sa flatmate niya na gumagawa ng mga bagay na kinaiinisan niya. Hehehe. Check it out.

Wednesday, May 18, 2005

Masbate, Masbate

Nasa Masbate City ako ngayon, sa isang internet shop sa kung saan. Naliligaw kasi talaga ako ng landas, literally. Mula sa Masbate High School Complex ay naglakad ako papunta sa kung saan ay naaalala ng aking mga talampakan ang daan, gayundin, isinaalang-alang ko ang namemorya ng mata ko kagabi nang pumunta kami sa Boulevard, sa isang maliit na inuman (na hindi naman ako uminom kasi ayoko -- uminom lang ako ng Lychee Juice.).

Pero iyon na nga, nagkamali ako, kaya napadpad ako sa Boulevard kahit di naman dun ang balak kong puntahan kundi sa isang internetan sa Kapitolyo (na hindi ko rin alam kung saan kasi tinext lang ito sa akin ni Omeng). Anyway, nakarating ako sa Pier, sa isang Simbahan, nadaanan ko rin yung maliit na grocery store na binilhan ko ng dalawang maliit na bote ng "Gee Your Hair Smells Terrific" na shampoo na nagkakahalaga lamang ng P12.50 ang isa. Kaya dalawa ang binili ko kasi iyon na lang ang pasalubong ko kay J.

Interesting yet at the same time boring na harrowing ang Masbate. Sabi ng isang guro rito, wala raw nakasulat na kasaysayan tungkol sa Masbate. Isa itong maliit na isla na malapit sa Bikol, pero dahil isla nga, ay napalilibutan ng tubig. Nung lumanding nga yung Asian Spirit na sinasakyan namin nung Martes ng alas-siyete ng umaga ay napakabilis na sa unang tingin ay dagat lang tapos biglang may lupa na at lumalapag na kami. Mainit sa loob ng eroplanong iyon.

Ngayon, itong internetan na ito ay malapit sa Pier at hindi ko alam kung paano ako babalik dun sa iskul kasi di ko alam kung ano ang sasabihin sa tricycle drayber, at kung may traysikel nga na dumaraan dito. Mahigit isang oras na pala akong naglalakad bago makarating dito sa internetan.

Nalulungkot ako dito sa Masbate. Una, kitang-kita ang kabulukan ng educational system, kung paanong hindi pa rin talaga nagbabago at kayhirap baguhin ng nakasanayan nang pyudal at tradisyunal na pag-iisip. Parang kung gaano kahirap baguhin o alisin ang takot ko sa nakaambang pag-ulan (parang naririnig kong bumubuhos ang ulan ngayon). Mag-isa lang ako ngayon rito sa internetan, kasama yung lalaking bantay nito (naglalaro siya ng Diablo ata o kung anumang anti-communist na PC game). Namimiss ko nang maglaro ng Harry Potter.

Nalulungkot din ako dito sa Masbate kasi wala si J, laluna kanina na sumama ang pakiramdam ko dahil inatake ako ng highblood sa sobrang init. Siguro may kinalaman na rin ang pagsama ng pakiramdam ko sa aktitud ng maraming guro dito sa Masbate. Pasaway talaga ang marami sa kanila. At kitang-kita ko sa mata ng ibang matatanda, laluna yung mga supervisor at division heads, na nirerepel nila ang kahit na anumang initiative ko na mag-strike ng conversation, dahil sa ako ay bata pa at sila ay matagal nang nagtuturo. Nagpunta ako rito para tumulong sa pagbibigay ng Classroom Management workshop at mga bagong paraan o metodo sa pagtuturo. Pero ang hirap talagang kalabanin ng "matatanda." Yung isa nga, yung supervisor ng malaking highschool dito sa Masbate, kanina sa isang focus group discussion, tinanong ko kung nakapili na ba sila ng representative nila at kung anong topic ang ipepresenta nila. Aba'y tiningnan lang ako, yung blank stare, tapos ay tumalikod na at di ako pinansin. Hay. Gusto ko man siyang murahin ay mga balloon dialogue na lang iyon sa ibabaw ng aking bumbunan.

Mahirap ang siyudad na ito ng Masbate. Mahirap ang Masbate. Kitang-kita ito sa dami ng traysikel na naghihintay sa labas ng paaralan. Kitang-kita ito sa dami ng batang nagtitinda ng balut. Kitang-kita ito sa mga malakabuteng beerhouse, magkakatabi, at tila pare-pareho ang kostumer. Kitang-kita ito sa halos dilapidated nang Old Spanish Architecture na mga bahay. Sa mga panaka-nakang pawnshop ng mga Intsik. Sa lumot sa tubig.

Magsusulat ako ng kuwento tungkol sa Masbate.

Siyangapala, wagi ang laban naming mga junior faculty para hindi matanggal si G. U Eliserio. Dinaya talaga siya ng Department Chair namin. Sobrang nagfalsify ng mga dokumento, nagsinungaling. Biruin n'yo ba naman, sabi ng Department Chair namin na nakakuha ng pinakamababang ranking si U sa lahat ng untenured junior faculty, e hindi naman pala. Sinabi rin ng Department Chair namin na pinagdesisyunan na ng mga senior at tenured faculty na di marerenew si U, pero kanina sa Department Meeting namin (siyempre di ako nakadalo kasi nandito ako sa Masbate -- tinext lang ako) ay na-unmask ang mga kabulastugang ito! Kaya malamang sa malamang ay napahiya ang Department Chair. Wala siyang dangal. Wala na akong natitirang respeto sa kaniya. Inaalila na nga niya kami, tapos ganito pa ang gagawin niya sa amin. Buti na lang ay sinuportahan rin kami ng mga tenured na faculty. Yehey!

Namimiss ko na ang maraming bagay at tao at gawain:
1. pusa
2. dvd
3. siyempre si J, ang aking baby baby baby
4. ang mommy ko
5. ang mga kapatid ko
6. si Amery at ang nanay niyang si Karen
7. sila Suyin at Eleyn
8. malamig na tubig
9. Harry Potter PC games (kahit na dala ko ang laptop ko)
10. mga Pan Pil 17 classes ko

Thursday, May 12, 2005

Dagdag na Isang Taon na Naman; "J" na Naman

Maraming bagay akong dapat ipagpasalamat. Alam ko iyon. Kaya siguro malulungkutin ako lately ay dahil inihahanda ako nito para sumaya.

Kahapon, kaarawan ko, at nasorpresa talaga ako sa Pan Pil 17 X2 dahil nang bubuksan na iyong LCD projector ay may lumabas na malaking "Happy Birthday Sir Mykel." Nakakataba talaga ng puso. At tumaba rin ang puso ko sa pagbati ng mga estudyante ko sa Pan Pil 17 X3. Maraming salamat sa inyo.

After ng class, nilibre ko yung Filipino Department Staff. Nagpadeliver kami ng KFC, pero di na ako nakihati sa pagkain nito kasi inilibre ko sila Will, Omeng, Thea, Elyrah at Jerrie sa Chocolate Kiss (taas). Pagkatapos kumain, pumunta kami ni Jerrie kina Eleyn at Suyin para sunduin sila at tumingin ng apartment sa Teacher's Village. May nakita kami sa may Matimtiman, P13,000 kada buwan, malaki, napaka-spacious ng three-floor apartment, at magkakasiya kami ng tiyak doon. Ang problema ay ito: para itong mental-hospital ward. Claustrophobic ang lugar. At parang may nagpakamatay dun o nahulog sa hagdan. Basta yung ganung feeling. Kaya di namin kinuha yung bahay, kahit na relatively ay mura na ito.

Dumating ako sa bahay mga 7:30pm. Bumili kami ng manok sa KFC Welcome, Rotonda at iyon ang aming hinapunan. Bumili rin ako ng ice cream sa Welcome Supermarket, tsaka bumili ako ng isang "bastos" na magazine bilang regalo ko sa sarili ko. Hehehe.

Naalala ko lang. Nakita ko pala nung May 10 yung crush ko na taga-Theater, si J. Ooops. J na naman. J na naman. Parang andami ko pala talagang kilalang tao na nagsisimula ang pangalan sa letrang J. Mga kaibigan. Mga naging karelasyon. At yung kasalukuyang karelasyon ko. Hay. Anyway, nanlambot talaga yung tuhod ko at namula ang tenga. Ganun kasi ako kapag nakikita ko yung crush ko. Di ko lang rin basta nakita yung crush ko. Nakasabay ko sa Philcoa dyip papasok sa UP nung umagang iyon. Kunwari di ko siya nakita, pero sa peripheral view, nakita kong tiningnan niya ako dahil alam kong magkakilala kami sa mukha pero hindi sa pangalan. Pero alam ko ang pangalan niya. Sana alam niya rin ang pangalan ko. Letseng kakornihan ito o!

Anyway, ang kulit talaga nung Naomi na yun sa Friendster. Binlock ko na nga siya at dalawang beses nang nireject ang friend request niya, e tuloy pa rin sa pag-invite. Ang kulit!

Maraming tao ang sobrang niroromanticize ang pagsusulat. Kesyo dapat mahalin ang pagsusulat (at pagbabasa) and stuff. Given na iyon. Sobrang given na iyon. Ang kailangan ay paano pauunlarin ang pagsusulat. At magagawa lamang iyon kung mayroong solid grounding sa buhay: politics, economics, personal, interpersonal, intrapersonal, lahat, lahat. Pero ang mas dapat taluntunin ng manunulat ay ang PAGSASABUHAY nito. Walang magagawa ang dakdak lang nang dakdak sa panulat. Dapat isinasabuhay ito. Isinasagaw. Dahil hindi naman ito isang bilog lamang na paikot-ikot ka. Wake up!

Nanood pala kami sa dalawang klase ko ng mga short film nina RA Rivera at Ramon Bautista. As expected, CERTIFIED HIT!

Yung mommy ko, gising pa rin hanggang ngayon. Nagsasoundtrip sa kabilang computer. Nakakatuwa talaga.

Pinanood din pala namin ni J yung Korean film na di ko alam ang English translation ng pamagat. Basta ang mga bida dun ay sina Johnny ng Endless Love at Cholo ng Stairway to Heaven. Astig ang pelikulang ito. Ang saya-saya lang talaga!

Marami pala akong nakuhang regalo kahapong burpdei ko. Tapos si Ma'am Chari tinext ako na ililibre niya ako next week, yun raw bday gift niya. Tapos si Sir Jovy (J na naman), tinext ako ng: "Haba Birdie to you, Hapi Bday to you." Hahaha. Natawa talaga ako. Tapos si Jovy Z naman (J na naman) tinext rin ako. Si Ma'am Will, bukod sa text, pinuntahan pa ako sa klase, ang ganda-ganda talaga ni Will (lagi siyang napapagkamalang lalaki kasi pangalan niya ay "Will"), tapos isinama niya ako sa kuwarto niya at ipinakita sa akin ang regalo niyang isang basket ng mga pagkain. Ang sarap! Binigyan pa niya ako ng roses nung Friday. Ang galing! Tapos, si Thea, niregaluhan ako ng pamaypay na penguin. Ang galing! Tapos si Elyrah, niregaluhan ako ng book of essays ng yumao niyang ama at kilalang manunulat na si Alfrredo Salanga. Tapos si U Eliserio, niregaluhan ako ng libro ni Jean Baudrillard! Ang galing! Ang ginamit pa niyang pambalot ay Christmas wrapper. Astig! Tapos si J, niregaluhan ako ng strawberry ice cream. Kinilig naman ako, hehehe.

Yun lang.

Monday, May 09, 2005

Pahabol sa Unang Ulan ng Mayo

1. Di natuloy umulan ngayon. Hay.
2. Kanina lang uli ako nagcheck ng Friendster. Mayroon akong tatlong bagong testimonial, anim na friend request (di ko inapprove yung isa kasi dehins ko naman kakilala, at twice ko na siya nirereject. Naomi ang name raw, at Atenista raw, dawho!), at four new messages na mostly ay bumabati ng maligayang kaarawan.
3. Yung bestfriend ko na girl, si Lisa, ang isa sa nag-Friendster message. Sabi niya may ikukuwento siya sa akin at ang clue raw ay tungkol sa aking "masalimuot na nakaraan." Siyempre, alam ko na kung tungkol saan iyon. Tungkol iyon kay B., yung pinsan niya na ex ko na ngayon. At malamang ang sasabihin niya ay alam ko na. Na nakilala ni K.C., taga-Kule, ang pinsan ni Lisa na si B., at nagtetextan sila, at naiisip ni B ang possibility na baka maging sila pero iniisip rin ni B na baka may issue ako tungkol dun kasi ex ko siya at kaibigan ko naman si K.C. Anoba!?! Attached na nga ako. Kaya malayang-malaya kayo. Wala akong issue. Natuldukan ko na nga, di ba? Exclamation point pa. Magiging masaya ako kung magkakatuluyan silang dalawa.
4. Ito namang si C, isa pang bestfriend ko na babae na taga-Makati, ay nagkuwento rin tungkol kay B. Kasi magkaklase sila ngayon sa La Salle at magkaibigan sila. Sabi ni C kay B referring to our past relationship: "Mykel's okay now. He's happy. He's moved on. Sabi nga ni Mykel, sana makahanap ka na raw ng boyfriend. Sana maka-move on ka na raw at maging masaya." To this, ang sagot ni B ay: "A! Ganun!" Bigla kong naaalala ngayon ang isang linya sa isang kanta ni Joni Mitchell na ginamit rin ni Lauryn Hill.
5. Mag-fa-five months na kami ni J sa May 12. :)

Unang Ulan ng Mayo

1.
Mukhang parating na ang unang ulan ng Mayo. At sa unang pagkakataon, parang hinihiling ko na dumating ito.

Ayaw ko kasi ng ulan, maulan, basa, baha, etc, maliban na lang kapag kailangang maligo at uminom. Pero madalas kong sinasabi na kung uulan, laluna kapag tag-ulan, dun na lang umulan sa mga sakahan at irigasyon kung saan mas kailangan ng mga magsasaka sa kanilang pagpapataba ng lupa at pagtatanim. Bahain kasi sa aming lugar kaya nahihirapan ako kapag umuulan.

Pero peste na talaga itong tag-init. Sobra. Di ako lalo makatulog nang maayos. Kaya paggising ko sa umaga o madaling araw ay sobrang sakit ng katawan ko. Mababaw lagi ang tulog ko. Kaya sumasakit ang katawan ko ay dahil bukod sa paglalakad, laging nakatapat sa likod ko ang electric fan. Kaya kahit mainit ang panahon ay naiipon ang lamig sa mga kalamnan ko.

Kaya gusto kong umulan. Naririnig ko ngayong nag-aalburoto ang langit. Sabi nila sa akin nung bata ako, nagbobowling raw si San Pedro tuwing kumukulog. At kapag umulan naman raw, nagpipiga ng sinampay si Mama Mary. Pero siyempre di ko na iyon pinaniniwalaan ngayon. Pero sana umulan na ngayong gabi, at huwag namang bukas ng umaga. Para kahit paano ay maneutralize ang napakainit na panahon.

2.
Nung bata ako, ang unang ulan ng Mayo ang pinakaaabangan ng mga tao. Nung una'y nagtataka ako, pero nadala rin ako nitong pamahiing idinadakdak ng matatanda: na ang unang ulan ng Mayo ay suwerte, nakapagpapagaling raw ng sakit at problema, kaya kapag dumating ang unang ulan ng Mayo, dapat raw ay maligo kami sa ulan.

Kung di nagkakamali ang memorya ko, buwan ng Mayo, dalawang taon na ang nakalilipas ay naulinigan ko ang pagbobowling ni San Pedro, kaya lumabas ako sa bintana ng bahay namin at pumunta sa bubungang-sampayan namin at hinintay kong bumuhos ang ulan. Tinanggal ko ang t-shirt ko pati ang brief ko. Pero nakasalawal pa rin ako. Bumuhos ang ulan at natighaw ang nauuhaw kong katawan.

3.
Naranasan ko na ring mangolekta ng yelo nang minsang umulan ng yelo sa amin. Tinakpan ko lang ang mukha ko para di matamaan ang mga mata at pisngi ko. Pero masarap ang bagsak at paglapat ng malamig na ulang-yelo sa likod. Parang daliri ng nanay kong humahaplos para patulugin ako.

Thursday, May 05, 2005

Nimbus

I have a nimbus over my head.

Waking up and seeing him at 4am, opening a bottle of Red Horse, and gulping its inerts, like a thirsty thirsty old man; smelling his sweat or beer or sweat-beer/beer-sweat; hearing him throw verbal punches at mommy; hearing him seering for money; tasting a bitter fear in a half-cooked rice; feeling a caterpillar of long-standing problems; where's my sixth sense?

And another.

Department Matriarch kicking out a friend-teacher. With, nonetheless, biased, unfounded, baseless, selfish, arrogant inuendos. Are we still in the Medieval Ages?

And another still.

Losing an apartment. And the trouble of finding another.

And still, are you surprised, another.

Flu. Flu. Flu. Flu of shit!

And this one.

My brother, who's based in New York, texted me: "It't Jay-ar's enrollment." Where am I supposed to get the money? Kuya Rodel, ikaw na muna magbayad para sa pang-entrol ni Jay-ar. Ako naman nagbibigay ng baon niya, di ba?

And another one of that or this or that-this/this-that.

I know J's sad. J's attempt to get a job in Ortigas, and failing to get it, J's first try. I have to be strong for J.

And still this-that/that-this.

An Ex unwittingly going back into my life, again. Hey, it wasn't I who broke it apart. And I'm happy now. I've moved on from you. If you want us to be friends, you do it. I did my part. I have forgiven you, after making me wait for fucking months. I'm attached now. And I hope this will be forever.

And...

Thesis. I'm very tired. I'm happy though during classes. Especially with Pan Pil 17. But when reality knocks, at s/he always does, I'm thinking of passing a resume to a Call Center in Ortigas. Magiging P8 pa ata ang basic fare sa dyip. Panginoon, maawa ka.