Apartment sa Dapitan

Tuesday, May 31, 2005

"Wouldn't It Be Nice" ng The Beach Boys

Nakabili ako last week sa Quiapo ng piniratang cd ng "The Best" ng The Beach Boys. Halaga: P25. Paborito kong single ay ang "Wouldn't It Be Nice" na ginamit sa German film na Das Experiment.

Salamat kina Kenneth Guda ng Pinoy Weekly at Joms Salvador ng Gabriela-Youth ay napanood ko three or four years ago ang Das Experiment. Hanggang ngayon ay di ko pa rin naisosoli ang piniratang VCD copy ng nasabing pelikula. Last year, ipinapanood ko sa mga klase ko sa Humanidades I sa UP Diliman ang naturang pelikula at na-shock ang mga estudyante ko dahil sa sobrang violence nito.

Ganito kasi ang Das Experiment. Mayroong isang ahensiya na nagpalabas ng anunsiyo sa diyaryo na naghahanap sila ng mga taong willing magpa-subject sa isang experimento. Psychological experiment ito. Simulation ng isang prison. Babayaran ang mga matatanggap ng malaking pera. Journalist ang isang nag-apply, pero itinago niya ito. Taxi driver rin kasi ang nasabing journalist (yung lalaki sa Run Lola, Run). Big break para makabalik siya sa journalism scene kung mapag-aaralan niyang mabuti ang nasabing proyekto, kaya ang tanging paraan ay ang maging involved dito, first hand. Natanggap yung journalist. Undercover siya. Yung spectacles niya, mayroong built-in camera. Astig.

Dahil prison simulation nga, ang mga natanggap ay pinili kung magiging pulis o prisoner. Yung journalist ay isa sa mga prisoner. Tapos maraming pulis. Anyway, dalawang linggo dapat ang experimento, pero tumagal lang ito ng tatlo o apat na araw dahil nag-takeover ang mga pulis-pulisan at nabulilyaso ang experimento. Napaka-Foucauldian ng nasabing pelikula. Yung omniscient eye sa panoptics ni Michel Foucault ay mahihibo sa nasabing pelikula -- nagpapaalala na sila ay nasa lilim at lawas ng kapangyarihan ng estado. Sa pamamagitan ng 24-hour cameras atbp. Nakabantay ang batas, pero siyempre laging may locus para suwayin ang batas, at iyon ang ginawa ng marami sa mga prisoner.

Tapos, nung mag-takeover yung isang pulis (si Belrus) bilang head ng mga pulis, ipinapatay niya ang mga camera, at nagpatugtog nang malakas (rinig sa buong kulungan) yung pulis na ang totoong trabaho ay impersonator ni Elvis Presley. Pero ang pinatugtog niya ay ang "Wouldn't It Be Nice" ng the Beach Boys. Ginamit ang kanta para pagtakpan o lunurin ang hiyawan ng mga prisoner na binubugbog.

Parang kung paano ginamit ng conjugal dictatorship nina Ferdinand at Imelda Marcos ang insitutsyunalisasyon ng OPM (Original Pilipino Music) -- tulad ng mga awit ni Victor Wood na copycat ng American imperialist music -- para lumalang ng tila masayang kulturang musikal upang lunurin ang samu't saring katiwalian noong panahon ng Batas Militar. At kung paanong sa kasalukuyang panahon, lunod na lunod ang music industry ng Pilipinas sa mga novelty song. Tila ipinapahiwatig na masaya't kaaya-aya ang buhay sa Pilipinas; nilalabusaw ang isyu ng Extended VAT, ang malawak na militarisasyon sa kanayunan, ang sunod-sunod na pagkitil sa buhay ng mga human rights advocates at media(wo)men.

Nakaririnding eskapismo.

2 Comments:

  • At June 02, 2005 10:29 AM, Blogger katoons said…

    DUde!!!! salamat sa pagdaan sa blog ko. :) sana magkita tayo agad.:)

    tama ka sa masbate. covered ng project namin sa deped dati ang masbate... hay...

     
  • At June 03, 2005 8:27 PM, Blogger ai said…

    wow!!! i love the beach boys!!!
    i love wouldn't it be nice, pati yung don't worry baby, kokomo, surfin'safari, etc.!!!
    pansin ko lang, madalas gamiting soundtrack sa movies ni drew barrymore mga kanta ng beach boys.. =)

     

Post a Comment

<< Home