Unang Ulan ng Mayo
1.
Mukhang parating na ang unang ulan ng Mayo. At sa unang pagkakataon, parang hinihiling ko na dumating ito.
Ayaw ko kasi ng ulan, maulan, basa, baha, etc, maliban na lang kapag kailangang maligo at uminom. Pero madalas kong sinasabi na kung uulan, laluna kapag tag-ulan, dun na lang umulan sa mga sakahan at irigasyon kung saan mas kailangan ng mga magsasaka sa kanilang pagpapataba ng lupa at pagtatanim. Bahain kasi sa aming lugar kaya nahihirapan ako kapag umuulan.
Pero peste na talaga itong tag-init. Sobra. Di ako lalo makatulog nang maayos. Kaya paggising ko sa umaga o madaling araw ay sobrang sakit ng katawan ko. Mababaw lagi ang tulog ko. Kaya sumasakit ang katawan ko ay dahil bukod sa paglalakad, laging nakatapat sa likod ko ang electric fan. Kaya kahit mainit ang panahon ay naiipon ang lamig sa mga kalamnan ko.
Kaya gusto kong umulan. Naririnig ko ngayong nag-aalburoto ang langit. Sabi nila sa akin nung bata ako, nagbobowling raw si San Pedro tuwing kumukulog. At kapag umulan naman raw, nagpipiga ng sinampay si Mama Mary. Pero siyempre di ko na iyon pinaniniwalaan ngayon. Pero sana umulan na ngayong gabi, at huwag namang bukas ng umaga. Para kahit paano ay maneutralize ang napakainit na panahon.
2.
Nung bata ako, ang unang ulan ng Mayo ang pinakaaabangan ng mga tao. Nung una'y nagtataka ako, pero nadala rin ako nitong pamahiing idinadakdak ng matatanda: na ang unang ulan ng Mayo ay suwerte, nakapagpapagaling raw ng sakit at problema, kaya kapag dumating ang unang ulan ng Mayo, dapat raw ay maligo kami sa ulan.
Kung di nagkakamali ang memorya ko, buwan ng Mayo, dalawang taon na ang nakalilipas ay naulinigan ko ang pagbobowling ni San Pedro, kaya lumabas ako sa bintana ng bahay namin at pumunta sa bubungang-sampayan namin at hinintay kong bumuhos ang ulan. Tinanggal ko ang t-shirt ko pati ang brief ko. Pero nakasalawal pa rin ako. Bumuhos ang ulan at natighaw ang nauuhaw kong katawan.
3.
Naranasan ko na ring mangolekta ng yelo nang minsang umulan ng yelo sa amin. Tinakpan ko lang ang mukha ko para di matamaan ang mga mata at pisngi ko. Pero masarap ang bagsak at paglapat ng malamig na ulang-yelo sa likod. Parang daliri ng nanay kong humahaplos para patulugin ako.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home