Masbate, Masbate
Nasa Masbate City ako ngayon, sa isang internet shop sa kung saan. Naliligaw kasi talaga ako ng landas, literally. Mula sa Masbate High School Complex ay naglakad ako papunta sa kung saan ay naaalala ng aking mga talampakan ang daan, gayundin, isinaalang-alang ko ang namemorya ng mata ko kagabi nang pumunta kami sa Boulevard, sa isang maliit na inuman (na hindi naman ako uminom kasi ayoko -- uminom lang ako ng Lychee Juice.).
Pero iyon na nga, nagkamali ako, kaya napadpad ako sa Boulevard kahit di naman dun ang balak kong puntahan kundi sa isang internetan sa Kapitolyo (na hindi ko rin alam kung saan kasi tinext lang ito sa akin ni Omeng). Anyway, nakarating ako sa Pier, sa isang Simbahan, nadaanan ko rin yung maliit na grocery store na binilhan ko ng dalawang maliit na bote ng "Gee Your Hair Smells Terrific" na shampoo na nagkakahalaga lamang ng P12.50 ang isa. Kaya dalawa ang binili ko kasi iyon na lang ang pasalubong ko kay J.
Interesting yet at the same time boring na harrowing ang Masbate. Sabi ng isang guro rito, wala raw nakasulat na kasaysayan tungkol sa Masbate. Isa itong maliit na isla na malapit sa Bikol, pero dahil isla nga, ay napalilibutan ng tubig. Nung lumanding nga yung Asian Spirit na sinasakyan namin nung Martes ng alas-siyete ng umaga ay napakabilis na sa unang tingin ay dagat lang tapos biglang may lupa na at lumalapag na kami. Mainit sa loob ng eroplanong iyon.
Ngayon, itong internetan na ito ay malapit sa Pier at hindi ko alam kung paano ako babalik dun sa iskul kasi di ko alam kung ano ang sasabihin sa tricycle drayber, at kung may traysikel nga na dumaraan dito. Mahigit isang oras na pala akong naglalakad bago makarating dito sa internetan.
Nalulungkot ako dito sa Masbate. Una, kitang-kita ang kabulukan ng educational system, kung paanong hindi pa rin talaga nagbabago at kayhirap baguhin ng nakasanayan nang pyudal at tradisyunal na pag-iisip. Parang kung gaano kahirap baguhin o alisin ang takot ko sa nakaambang pag-ulan (parang naririnig kong bumubuhos ang ulan ngayon). Mag-isa lang ako ngayon rito sa internetan, kasama yung lalaking bantay nito (naglalaro siya ng Diablo ata o kung anumang anti-communist na PC game). Namimiss ko nang maglaro ng Harry Potter.
Nalulungkot din ako dito sa Masbate kasi wala si J, laluna kanina na sumama ang pakiramdam ko dahil inatake ako ng highblood sa sobrang init. Siguro may kinalaman na rin ang pagsama ng pakiramdam ko sa aktitud ng maraming guro dito sa Masbate. Pasaway talaga ang marami sa kanila. At kitang-kita ko sa mata ng ibang matatanda, laluna yung mga supervisor at division heads, na nirerepel nila ang kahit na anumang initiative ko na mag-strike ng conversation, dahil sa ako ay bata pa at sila ay matagal nang nagtuturo. Nagpunta ako rito para tumulong sa pagbibigay ng Classroom Management workshop at mga bagong paraan o metodo sa pagtuturo. Pero ang hirap talagang kalabanin ng "matatanda." Yung isa nga, yung supervisor ng malaking highschool dito sa Masbate, kanina sa isang focus group discussion, tinanong ko kung nakapili na ba sila ng representative nila at kung anong topic ang ipepresenta nila. Aba'y tiningnan lang ako, yung blank stare, tapos ay tumalikod na at di ako pinansin. Hay. Gusto ko man siyang murahin ay mga balloon dialogue na lang iyon sa ibabaw ng aking bumbunan.
Mahirap ang siyudad na ito ng Masbate. Mahirap ang Masbate. Kitang-kita ito sa dami ng traysikel na naghihintay sa labas ng paaralan. Kitang-kita ito sa dami ng batang nagtitinda ng balut. Kitang-kita ito sa mga malakabuteng beerhouse, magkakatabi, at tila pare-pareho ang kostumer. Kitang-kita ito sa halos dilapidated nang Old Spanish Architecture na mga bahay. Sa mga panaka-nakang pawnshop ng mga Intsik. Sa lumot sa tubig.
Magsusulat ako ng kuwento tungkol sa Masbate.
Siyangapala, wagi ang laban naming mga junior faculty para hindi matanggal si G. U Eliserio. Dinaya talaga siya ng Department Chair namin. Sobrang nagfalsify ng mga dokumento, nagsinungaling. Biruin n'yo ba naman, sabi ng Department Chair namin na nakakuha ng pinakamababang ranking si U sa lahat ng untenured junior faculty, e hindi naman pala. Sinabi rin ng Department Chair namin na pinagdesisyunan na ng mga senior at tenured faculty na di marerenew si U, pero kanina sa Department Meeting namin (siyempre di ako nakadalo kasi nandito ako sa Masbate -- tinext lang ako) ay na-unmask ang mga kabulastugang ito! Kaya malamang sa malamang ay napahiya ang Department Chair. Wala siyang dangal. Wala na akong natitirang respeto sa kaniya. Inaalila na nga niya kami, tapos ganito pa ang gagawin niya sa amin. Buti na lang ay sinuportahan rin kami ng mga tenured na faculty. Yehey!
Namimiss ko na ang maraming bagay at tao at gawain:
1. pusa
2. dvd
3. siyempre si J, ang aking baby baby baby
4. ang mommy ko
5. ang mga kapatid ko
6. si Amery at ang nanay niyang si Karen
7. sila Suyin at Eleyn
8. malamig na tubig
9. Harry Potter PC games (kahit na dala ko ang laptop ko)
10. mga Pan Pil 17 classes ko

5 Comments:
At May 21, 2005 11:40 PM, mykel andrada said…
salamat chris. :) nakabalik n ako kanina lang dito sa maynila. :)
At May 22, 2005 2:15 PM, abi said…
hi sir!!sobrang nakakamiss ang klase natin...isa kasi sa mga motivation ko para bumangon ng maaga araw araw ng 7 am (malayo pa kasi ako) ay ang super exciting na class natin...natutuwa ako dahil kahit na parang obstacle course at instant workout ko ang pagbbyahe mula bahay hanggang peyups ay sulit naman...sana productive at worthy ang pagpunta nyo sa masbate. ang galing galing nyo talaga^_^idol...(hehehe..buti na lang wala kyong banda, baka mapagkamalang groupie ako) ingatz po!!
At May 25, 2005 2:24 AM, mykel andrada said…
bernadette, nakuha ko yung paper. dont wori. :)
chris, ichechek ko uli yung email para kunin ang project nyo.
oi mga kumag, mamimiss ko kayo. ingat lagi! :)
At May 25, 2005 1:00 PM, abi said…
sir, asan na nga pala ung mga CD's namin??hapon na kasi ako nakapunta nung tuesday, mga 4 na ata yun, at pagtingin ko sa pidgeon hole nyo, ala ng cd...=(
At May 26, 2005 1:29 AM, mykel andrada said…
abygayle, di ako nakadaan ng up kanina kaya di ko naiwan yung cds. tntapos ko p kc mgchek ng final proj nyo. iiiwan ko kay ate susan sa filipino department ang cds, may pangalan nyo. try ko bukas iiwan or sa friday.
jen, ganun din yung cd nung short films n pnanood natin. s thurs or friday p, kay ate susan s fil dept. abt lovelife, hmmm, matagal ako magmove on. it took me four years to get over someone since highschool ako, kaya understandable kung d m p sya napapalitan. pag may ibang kumatok sa heart mo, pagbuksan mo, yun ang susi. ayun. hehehe. :)
Post a Comment
<< Home