Apartment sa Dapitan

Monday, March 27, 2006

Hug ass-Big ass

ni Mykel Andrada


See none dooming.
Bore dug goal.
Pull a.
Ma log kit.
Mill a gross a.

Poo me peel he
See yeah none big ass
Saw pal ink he
None big long
May home a blot
None pit tack a knee yeah.
Too mill he see yeah
Hat hall oust
Him mat hay in.

Lee could long
None bee not hang
Gin no boss hang boo hook
Hang in have boat
None mat a knee yeah.

Fog who wee knee yeah,
In about an knee yeah
Hang none eye knee yeah,
He knee hint eye
Hang fog oh wee knee yeah.

Sob bee knee yeah,
“In eye, din nook ought
Hang pit tack a cow!”
Nag ghoul at hang none eye,
“Put hang in a moo!”

Sum a goat see yeah,
Gal lit hat mall long caught:
“In eye, two two oh pal a
Hang cheese miss!
Boo hung boo hay cow
Knee low low cow mow a cow!
Put the cap pal a
Hat hind die done sir!”

Aratiris / Aratiles: Bunga Bilang 1

Ang aratiris o aratiles ay may scientific name na muntingia calabura, a little cherry-like wild fruit
Ito'y isang uri ng "mabangis na prutas" (wild fruit, hehehe) na nakahahawig ng cherry, pero mas maliit nang di hamak sa cherry. Kapag hilaw ay berde ang kulay ng kutis ng aratiris. Kapag hinog na hinog na ay pulampula naman. Kadalasang kinakain ito kung nahihirapan kang tumae, kasi pampatae ito. Sa katunayan, hindi natutunaw ang buto ng aratiris kaya kung dadamhing mabuti ng isang taong tumatae ang paglabas ng kanyang dumi ilang oras pagkakain ng aratiris, mararamdaman niya ang tila mabuhanging paglabas ng kaniyang dumi.

Kanina, umakyat ako sa bubong (na sampayan din namin). Kasama ko ang isang-taong gulang na pamangkin kong si Amery. Magpapahangin lang kami dapat, kahit na alam kong katangahan iyon dahil sobrang taas ng sikat ng araw kaya ang hangin ay pagkainit-init din, pero sa paglabas naming iyon sa may bubungan ng CR ng aming bahay, natuwa akong makita na nahinog na ang ilang bunga ng aratiris na nung isang araw ko pa hinihintay na mahinog. Nasayangan na nga ako sa mangilan-ngilang piraso ng aratiris na nahulog lang sa bubong ng bahay ng mga manok ng kapitbahay naming si Mang Arturo na siyang nagmamay-ari ng puno ng aratiris.

Nakakuha kami ni Amery kanina ng anim na mapupulang bunga ng aratiris. Siyempre ako lang ang kumain lahat. Bumaba ako sa kusina, pumunta sa lababo, pinadaanan sa tumatakbong tubig ang mga aratiris, tapos may nahulog na bubuwit malapit sa kaliwang braso ko kaya napasigaw tuloy ako nang di-oras. Hahahaha. Buti na lang hindi ko naitapon ang mga aratiris. Ansarap!

Tuwing umaga o tanghali, basta kung kailan ako magigising, at kung nagkataong nasa tapat ng bintana ang aking mukha, magigising akong ang mga dahon ng puno ng aratires ang unang makikita. Tapos lihim kong sasabihin sa sarili na ang ganda-ganda ng pagkakalapat ng mga dahon sa pisngi ng langit. At magpapasalamat ako sa mayabong na puno na sumasangga sa salbaheng sinag ng araw.

Sunday, March 26, 2006

Creep Yuson

Dalawang taong personal kong kakilala ang tinamaan ng lintik ni Krip "The Creep" Yuson. Una ay si Ina Stuart Santiago. Ikalawa ay si Dr. Bien Lumbera.

1.
Sa kaso ni Ina, balasubas nang maituturing si Creep Yuson sa pagiging uncollegial niya kay Ina. Sa isang forum kung saan kabilang sina Ina at Creep ay malayang nagpahayag si Ina ng kaniyang sentimiyento hinggil sa kawalang-kawawaan ni Patricia "The Mongoloid Smile" Evangelista (pasensiya na kung racist ang patutsada) tungkol sa "selebrasyon" ng Edsa People Power 1. Ang puna ni Ina sa kolum ni Patricia ay patungkol sa pagiging ahistorikal ng nasabing kolum na mistulang patalastas ng gobyerno hinggil sa People Power. Siyempre, mula sa isang kritikal na tanaw, tunay namang mababasa ang artikulo ni Patricia bilang isang pag-utot na naman ng utak nang wala namang kritikal at analitikal na pagtuon hinggil sa konsepto ng People Power. Para tuloy itong Care Bears na "what is the moral of the episode." Mas progresibo pa ang Naruto kaysa sa mga isinusulat ni Patricia sa kaniyang kolum. Idinagdag pa ni Ina na ang mga tulad nina Patricia at Creep, ayon sa artikulo ni Patricia, ay mayroong freedom of expression dahil ito ang pamana ng Edsa 1. Maganda ang komento ni Ina tungkol dito: na kaya naman "malayang nakakapagpahayag" sina Ina at Creep ay dahil sila ay mga aparato ng gobyerno. Mwahahaha!

Kaya, ano ang ginawa ni Creep sa sinabi ni Ina tungkol sa kolum ni Patricia. Sumulat si Creep Yuson sa Chairperson ng English Department ng Ateneo de Manila University, kung saan "colleagues" sina Ina at Creep. Magsumbong raw ba, e wala namang kinalaman ang pagtuturo nilang dalawa sa mga usapin sa kanilang forum. Dapat sumagot si Creep sa forum kung saan nagpahayag si Ina. Iyon ang tamang venue. At hindi ang gamitin na naman ang kaniyang kolum at ang kaniyang "seniority" upang takutin si Ina.

2.
At dahil pinag-uusapan na rin naman ang "pananakot," aba'y mas balasubas pa ang ginawa ni Creep kay Bien Lumbera. Katulad ng istiryotipikal na tagapamandila ng ideolohiya ng estado, idinawit ni Creep Yuson si Bien Lumbera sa dantaon nang "anti-komunistang histeryang" ipinalalaganap ng estado. Sa kolum ni Creep Yuson sa Philippine Star noong nakaraang Lunes, nagpahayag ng pagkadismaya si Creep Yuson sa pagpasa sa pangalan ni Bien Lumbera sa halip na pangalan ni Cirilo Bautista matapos ang ikalawang deliberasyon ng pagpili ng National Artist o Pambansang Alagad (sa Sining). Ang pamagat ng kaniyang artikulo ay "Nationalist Artist, anyone?" na malinaw na isang pagtuya sa pagiging makabayan ni Lumbera. Gayundin, ang tesis ng isinulat ni Creep Yuson ay dahil daw mayroon nang "trend" na mga manunulat sa Filipino ang nananalo ng National Artist for Literature ay nanganganib raw na maging mardyinal na ang mga Filipinong nagsusulat sa Ingles.

Nakakatawa -- at mapanganib -- ang pahayag na ito ni Creep dahil pinalalabnaw nito ang usapin ng esensiya ng Pambansang Alagad sa Sining. Masasapo mula sa pahayag ni Creep na tila mardyinal ang magsulat sa Ingles, samantalang ang katotohanan naman talaga ay ang kolonyal na wikang ito ang nais na ipagamit ng IMF-World Bank sa mga mag-aaral sa Pilipinas at maging sa mga ligal, pambansa at pampulitka't pang-ekonomiyang gawain ng estado (read: E.O. 210). Gayundin, masisipat sa pahayag ni Creep na ang magsulat sa Filipino ay kagimbal-gimbal dahil papatayin nito ang wika at literaturang Ingles, gayong sa buong kasaysayan ng pantikan sa Pilipinas, alam naman nating ang lenggwaheng kolonyal ang sa kalakha'y pinakapinapaboran ng estado. Delikado ang pahayag na ito ni Creep dahil nilalabusaw nito ang dapat talagang lamanin ng pagiging Pambansang Alagad sa Panitikan. Ang Pilipinas ay napakaraming rehiyunal na wika -- at pinoproblematisa pa rin hanggang ngayon ang Filipino bilang pambansang wika -- pero hindi ang mga wikang ito ang itinuturing ng gobyerno at ng mga manunulat na tulad ni Creep bilang opisyal na mga lenggwahe sa bansa.

Delikado rin ang sinabi ni Creep tungkol sa pagpapahalaga ni Bien Lumbera sa "regional writings" sa bansa. Napakabalusabas na tinitipa niya ang iskolastikong paghihirap ni Bien upang bigyang-kasaysayan ang pilit na binuburang panitikan at kultura ng "rehiyon." Sa pahayag ni Creep, mahihibo na kinukuwestiyon niya ang intensyon ni Bien sa pag-aaral ng mga panitikang rehiyunal. Ani Creep, dalawa lamang ang maaaring dahilan ng pagpupursiging ito ni Bien: una, na nais diumano ni Bien Lumbera na magmistulang makabayan; ikalawa, na "makabayan" talaga si Lumbera kung kaya hindi dapat itanghal bilang National Artist. Hindi ako makapaniwala na guro pala talaga itong si Creep Yuson. Kunsabagay, tunay namang produkto siya ng kolonyal na mga institusyon at ng mga reaksyunaryong institusyon. Dapat gumawa ng bagong pagpuputong ang estado, tulad ng ginawang pagkilala kina Jovito Palparan -- ang "Pambansang (Reaksyunaryong) Alagad ng Sining."

Mas delikado pa ang patutsada ni Creep hinggil sa diumano'y pagiging "communist candidate" ni Bien Lumbera -- na kung tutuusin ay hinango ni Creep mula sa "talastasan" ng kaniyang mga kaumpugang-bote sa lawas ng inuman. Sabi pa ni Creep na ayon daw sa mga kainuman niya ay ang tanging matutuwa lamang sa napipintong pagkapanalo ni Bien Lumbera ay ang "extreme Left." Sa panahon ng malawak na kampanya ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo upang tugusin at tirisin ang mga progresibo at kritikal-sa-estado na mga elemento sa lipunan, ang ganitong pagtaguri ni Creep Yuson kay Bien Lumbera ay malinaw na tumutugma sa anti-teroristang histeryang pinamumutawi ng Imperyalismong Estados Unidos at ng mga kapanalig nito tulad ng administrasyon ni Pekeng Pangulong Arroyo. Sino ba ang pinal na magdedesisyon at pipirma ng pagtatalaga ng mga nanalo ng Pambansang Alagad ng Sining? Walang iba pa kundi si PGMA. Kaya malinaw na malinaw na malinaw na gusto lang iparating ni Creep Yuson kay Arroyo na hindi dapat pirmahan ng pangulo ang magiging rekomendasyong gawing National Artist for Literature si Bien Lumera dahil sa "sala" ng pagiging makabayan. Dapat personal na liham na lang ng paninira kay Bien ang ipinadala ni Creep Yuson kay PGMA.

3.
Creep Yuson. Yuck! Creepy!

Thursday, March 23, 2006

Buko Pie

Ang sabi ng dila:
"Ano itong kamangha-mangha?
Sa loob ng kahon
May tamis ng bakasyon!"

Sana makapagbakasyon kami sa April 19, 20, 21! Yehey!

Ang sarap-sarap ng buko pie na pasalubong ni Jerrie! :)

Aniban ng mga Manunulat at Artista para sa Demokrasya (AMADO)

Dumalo kami nina Mang Jun, Om at Gerald sa unang round table discussion tungkol sa "Writers' Commitment" na pinasimunuan ng AVHRC sa pamamagitan rin ng pagbubuo ng grupo ng mga manunulat at artista, ang AMADO o Aniban ng mga Manunulat at Artista para sa Demokrasya.

Okay naman ang una sa serye. Nagsalita kami ni Mang Jun at ng isang taga-National Union of Journalists in the Philippines (NUJP). Naging mabunga naman ang talakayan. Magaling rin mag-facilitate ng talakayan sina Potty, Luchi at JPaul. Sayang at hindi na nakaabot si Makoy kasi 4:30pm ang labas niya sa trabaho. At bad trip din kasi na-dead batt ako, kaya di na ako nakareply sa mga textmate ko.

Ideal para sa lugar (Datelines, Shoe Expo, Cubao) ang humigit-kumulang na 20 katao, kaya medyo intimate ang atmosphere at madaling magkarinigan. Nakakahilo lang ang ilaw at medyo mainit. Pero salamat sa Datelines, na kahilera ng Bellini's, na maasim ang pasta kasi Italian e!

* * *

Habang isinusulat ko ito ay dalawang malalaking daga at dalawang medyo may kalakihang daga ang namamasyal sa sala at kusina. Ngayon ay kasalukuyan silang nagtataob ng mga kaldero. Bumili ang nanay ko ng basurahan na may mahigpit na takip kaya di na napupuntirya ng "mababait."

* * *

Kung interesado kayong sumanib sa AMADO, narito ang ilang tala mula sa concept paper ng AMADO:

AMADO

"Napapanahong magbuo ng grupo ng mga manunulat na naniniwala sa "commited writing" at ang kahalagahan ng sining sa pagmulat ng kaisipan. Gaya ng naging tugon ni Amado Hernandez sa kanyang panahon, naging panulat niya ang buhay at pakikibaka ng mga manggagawa at masang anakpawis. Sa panitikan ni Ka Amado, tinalakay ang mga isyung bumabalot sa lipunang Pilipino na angkop pa rin hanggang ngayon.

"Sa panahon ng matinding krisis, dapat pasiglahin ang panitikang nagtatalakay sa tunay na kalagayan ng mamamayan. Matapang na harapin ng mga manunulat ang mahalagang papel ng sining sa pagpapalalim ng kamulatan ng mamamayan tungkol sa kaniyang paligid at ano ang epekto nito sa kanya."

Layunin ng AMADO
1. Pasiglahin ang ugnayan at pagkakaisa ng mga artista at manunulat sa mga manggagawa at taga-komunidad tungkol sa mga napapanahon usapin

2. Makatulong ang mga artista at manunulat sa pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan hinggil sa paglikha ng sining

AMADO Activities
1. Panulat at Pagkamulat -- Pag-iikot sa mga komunidad at pagawaan
2. Palihan para sa Sambayanan
3. PublikAKSYON
4. Round Table Discussion
5. Online Cultural Magazine
6. Partisipasyon sa mga Proyekto ng Amado V. Hernandez Resource Center (AVHRC)

Sunday, March 19, 2006

Phoebe Buffet at Maskman

Mga kanta ni Phoebee Buffet (Lisa Kudrow) sa Friends na paboritong-paborito ko. At yung Maskman theme song.


1.) "Smelly Cat" ni Phoebee Buffet (Lisa Kudrow, Friends)

E           A           D              E
Smelly Cat, Smelly Cat, What are they feeding you?

E A D E
(EVERYBODY!) Smelly cat, smelly cat, it's not your fault.

E A
(MONICA!) They won't take you to the vet

D E
(CHANDLER!) You're obviously not their favorite pet.

E A
(JOEY!) You may not be a bed of roses,

D E
(RACHEL!) And you're no friend to those with noses.



2.) "New York City Has No Power" ni Phoebee Buffet (Lisa Kudrow, Friends)

New York City has no power
And the milk is getting sour
But to me it is not scary
'Cause I stay away from dairy.
La la la la la la la la...


3.)"Cow in the Meadow" ni Phoebee Buffet

A
Oh, the cow in the meadow goes moo,

A
Oh , the cow in the meadow goes moo,

D
Then the famrmer hits him on the head

and grinds him up and thats how we get hamburgers.

AAAAAAAAAAA
Now Chickens!


4.) "Grandma" ni Phoebee Buffet

AA

A D
Now grandma's a person who everyone likes,

E A
she bought you a train and a bright shiny bike.

D A
but latley she hasn't been coming to dinner,

E A
and last time you saw her she looked so much thinner-

A D
now your mom and your dad said she moved to Peru,

E A
but the truth is she died and some day you will too.

A D E A
LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA

LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA LA



5.) "Ode to a Pubic Hair" ni Phoebee Buffet

A E
I found you in my bed

D A
How'd you wind up there

A E
It's such a mystery

D A
Little black curly hair


Chorus

D
Little black, little black

A
Little black, little black

E A
Little black curly hair

D
Little black, little black

A
Little black, little black

E A
little black curly hair


6.) "The Christmas Song" ni Phoebee Buffet

E
I went to the store

A
and sat in santa's lap

E
asked him to bring my friends

A
all kind of crap

D A
he said all you need is to

E
write them a song

D A E
you haven't heard it yet so don't try to sing along,

E
don't sing along!

E A D E A
Monica, Monica, HAVE A HAPPY honika

E D A E D A
Saw santa claus, he said hello to Ross

D A E D A E
And please tell Joey, Christmas will be snoweeaaey,

A E A E
And Rachel and Chandler have a -glund-glee- annder-



7.) "Tagalized version ng Maskman Themesong"

Ito ang mga bayaning magiting
Walang takot sa bangis ng kalaba'y di umuurong
Matatag na tagapagtanggol ng inaapi
Mga huwarang sa tungkuli'y tapat
Nakahandang mag-alay ng buhay.

Thursday, March 02, 2006

.Reaksyon.

Minsan, nasabihan akong nag-aastang magaling magbasketbol, pero lampa naman. Hindi naman talaga ako magaling magbasketbol (sa banyo siguro magaling ako magbasketbol; listen sa isang Eheads song). Kaya nag-aral akong magbasketbol. Kaya ngayon, magaling akong mang-agaw ng bola at mag-free throw. Ang mga kahinaan ko sa basketbol ay dribbling, assists, lay-up, three-points, at baldaduhan. Pero at least, marunong akong magbasketbol (yehey to macho fantasy! yehey!)

* * *

Minsan, nasabihan akong nagmamarunong kumanta. Inilagay ako sa Tenor 1 ng aming high school choir noong second year ako. Dalawa kaming pinakamataas ang nota sa dulo ng awiting Lupang Hinirang. Yung huling mga salitang "sa 'yo" o dalawang nota ang siyang hine-head tone namin ng kapwa Tenor 1 ko noon kapag kumakanta sa Friday Flag Ceremony. Pero habang tumatagal, lagi na akong pumipiyok sa pag-awit. Nung nag-audition ako sa Yamaha Con-con, pumiyok ako sa linyang "Make the world understaaaaand..." ng kantang Paraiso ng Smokey Mountain. Hindi ako nakapasok sa finals. Nadiskubre ko na hindi ako magaling na mang-aawit kapag klasikal ang paraan ng pag-awit. Kaya nagpaka-pop ako, at minsan nag-aaral ako sa sarili lamang ng Jazz at RNB at ballad. Kaya kadalasan ay napapaghalu-halo ko ang mga ito para maging isang centrifugal song. Wahehehe. Paborito kong gayahing umawit ang/sina Brent Anderson ng Suede, Gavin Rosdale, Jose Mari Chan, Eraserheads, Oasis, Paula Cole, No Doubt, Jewel, Toni Braxton, Annie Lennox, Steps, 911, Backstreet Boys, at marami pang ibang boy bands at girl bands. Ang paborito ko ngayon ay yung bandang kumanta ng "Push." Kaya ngayon ay kumakanta ako ng sarili kong bersyon (minsan belting) ng mga kanta ni Gary Valenciano.

* * *

Minsan, nasabihan akong nag-aastang manunulat. Oo naman. Minsan. May. Kakalabit. Sa. Iyo. May. Hawak. Na. Baril. At. Ang. Susunod. Niyang. Kakalabitin. Ay. Ang. Gatilyo.

1 p 2la 2ngkl s St8 of Emrgnc

1017
Mykel Andrada


Sa numerology, ang 1017
Ay ang bilang Siyam.
1 + 0 + 1 + 7 = 9.
Ang numerong ito
Ang pinaka-aligaga
Sa lahat ng mga bilang.
Malaki’t mabigat ang ulo,
Ngunit walang laman;
Payat at hindi matatag
Ang nag-iisang
Binting baluktot;
Maliit ang paa;
Nahihirapang humanap
Ng balanse;
Hindi kayang tumayo
Ng bilang na tagibang;
Laging nakaamba
Ang pagbagsak.


(Sa lotto,
Ang bilang na ito
Ang huling numerong
magpapatalo sa iyo.)