Aratiris / Aratiles: Bunga Bilang 1
Ang aratiris o aratiles ay may scientific name na muntingia calabura, a little cherry-like wild fruit
Ito'y isang uri ng "mabangis na prutas" (wild fruit, hehehe) na nakahahawig ng cherry, pero mas maliit nang di hamak sa cherry. Kapag hilaw ay berde ang kulay ng kutis ng aratiris. Kapag hinog na hinog na ay pulampula naman. Kadalasang kinakain ito kung nahihirapan kang tumae, kasi pampatae ito. Sa katunayan, hindi natutunaw ang buto ng aratiris kaya kung dadamhing mabuti ng isang taong tumatae ang paglabas ng kanyang dumi ilang oras pagkakain ng aratiris, mararamdaman niya ang tila mabuhanging paglabas ng kaniyang dumi.
Kanina, umakyat ako sa bubong (na sampayan din namin). Kasama ko ang isang-taong gulang na pamangkin kong si Amery. Magpapahangin lang kami dapat, kahit na alam kong katangahan iyon dahil sobrang taas ng sikat ng araw kaya ang hangin ay pagkainit-init din, pero sa paglabas naming iyon sa may bubungan ng CR ng aming bahay, natuwa akong makita na nahinog na ang ilang bunga ng aratiris na nung isang araw ko pa hinihintay na mahinog. Nasayangan na nga ako sa mangilan-ngilang piraso ng aratiris na nahulog lang sa bubong ng bahay ng mga manok ng kapitbahay naming si Mang Arturo na siyang nagmamay-ari ng puno ng aratiris.
Nakakuha kami ni Amery kanina ng anim na mapupulang bunga ng aratiris. Siyempre ako lang ang kumain lahat. Bumaba ako sa kusina, pumunta sa lababo, pinadaanan sa tumatakbong tubig ang mga aratiris, tapos may nahulog na bubuwit malapit sa kaliwang braso ko kaya napasigaw tuloy ako nang di-oras. Hahahaha. Buti na lang hindi ko naitapon ang mga aratiris. Ansarap!
Tuwing umaga o tanghali, basta kung kailan ako magigising, at kung nagkataong nasa tapat ng bintana ang aking mukha, magigising akong ang mga dahon ng puno ng aratires ang unang makikita. Tapos lihim kong sasabihin sa sarili na ang ganda-ganda ng pagkakalapat ng mga dahon sa pisngi ng langit. At magpapasalamat ako sa mayabong na puno na sumasangga sa salbaheng sinag ng araw.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home