Apartment sa Dapitan

Sunday, March 26, 2006

Creep Yuson

Dalawang taong personal kong kakilala ang tinamaan ng lintik ni Krip "The Creep" Yuson. Una ay si Ina Stuart Santiago. Ikalawa ay si Dr. Bien Lumbera.

1.
Sa kaso ni Ina, balasubas nang maituturing si Creep Yuson sa pagiging uncollegial niya kay Ina. Sa isang forum kung saan kabilang sina Ina at Creep ay malayang nagpahayag si Ina ng kaniyang sentimiyento hinggil sa kawalang-kawawaan ni Patricia "The Mongoloid Smile" Evangelista (pasensiya na kung racist ang patutsada) tungkol sa "selebrasyon" ng Edsa People Power 1. Ang puna ni Ina sa kolum ni Patricia ay patungkol sa pagiging ahistorikal ng nasabing kolum na mistulang patalastas ng gobyerno hinggil sa People Power. Siyempre, mula sa isang kritikal na tanaw, tunay namang mababasa ang artikulo ni Patricia bilang isang pag-utot na naman ng utak nang wala namang kritikal at analitikal na pagtuon hinggil sa konsepto ng People Power. Para tuloy itong Care Bears na "what is the moral of the episode." Mas progresibo pa ang Naruto kaysa sa mga isinusulat ni Patricia sa kaniyang kolum. Idinagdag pa ni Ina na ang mga tulad nina Patricia at Creep, ayon sa artikulo ni Patricia, ay mayroong freedom of expression dahil ito ang pamana ng Edsa 1. Maganda ang komento ni Ina tungkol dito: na kaya naman "malayang nakakapagpahayag" sina Ina at Creep ay dahil sila ay mga aparato ng gobyerno. Mwahahaha!

Kaya, ano ang ginawa ni Creep sa sinabi ni Ina tungkol sa kolum ni Patricia. Sumulat si Creep Yuson sa Chairperson ng English Department ng Ateneo de Manila University, kung saan "colleagues" sina Ina at Creep. Magsumbong raw ba, e wala namang kinalaman ang pagtuturo nilang dalawa sa mga usapin sa kanilang forum. Dapat sumagot si Creep sa forum kung saan nagpahayag si Ina. Iyon ang tamang venue. At hindi ang gamitin na naman ang kaniyang kolum at ang kaniyang "seniority" upang takutin si Ina.

2.
At dahil pinag-uusapan na rin naman ang "pananakot," aba'y mas balasubas pa ang ginawa ni Creep kay Bien Lumbera. Katulad ng istiryotipikal na tagapamandila ng ideolohiya ng estado, idinawit ni Creep Yuson si Bien Lumbera sa dantaon nang "anti-komunistang histeryang" ipinalalaganap ng estado. Sa kolum ni Creep Yuson sa Philippine Star noong nakaraang Lunes, nagpahayag ng pagkadismaya si Creep Yuson sa pagpasa sa pangalan ni Bien Lumbera sa halip na pangalan ni Cirilo Bautista matapos ang ikalawang deliberasyon ng pagpili ng National Artist o Pambansang Alagad (sa Sining). Ang pamagat ng kaniyang artikulo ay "Nationalist Artist, anyone?" na malinaw na isang pagtuya sa pagiging makabayan ni Lumbera. Gayundin, ang tesis ng isinulat ni Creep Yuson ay dahil daw mayroon nang "trend" na mga manunulat sa Filipino ang nananalo ng National Artist for Literature ay nanganganib raw na maging mardyinal na ang mga Filipinong nagsusulat sa Ingles.

Nakakatawa -- at mapanganib -- ang pahayag na ito ni Creep dahil pinalalabnaw nito ang usapin ng esensiya ng Pambansang Alagad sa Sining. Masasapo mula sa pahayag ni Creep na tila mardyinal ang magsulat sa Ingles, samantalang ang katotohanan naman talaga ay ang kolonyal na wikang ito ang nais na ipagamit ng IMF-World Bank sa mga mag-aaral sa Pilipinas at maging sa mga ligal, pambansa at pampulitka't pang-ekonomiyang gawain ng estado (read: E.O. 210). Gayundin, masisipat sa pahayag ni Creep na ang magsulat sa Filipino ay kagimbal-gimbal dahil papatayin nito ang wika at literaturang Ingles, gayong sa buong kasaysayan ng pantikan sa Pilipinas, alam naman nating ang lenggwaheng kolonyal ang sa kalakha'y pinakapinapaboran ng estado. Delikado ang pahayag na ito ni Creep dahil nilalabusaw nito ang dapat talagang lamanin ng pagiging Pambansang Alagad sa Panitikan. Ang Pilipinas ay napakaraming rehiyunal na wika -- at pinoproblematisa pa rin hanggang ngayon ang Filipino bilang pambansang wika -- pero hindi ang mga wikang ito ang itinuturing ng gobyerno at ng mga manunulat na tulad ni Creep bilang opisyal na mga lenggwahe sa bansa.

Delikado rin ang sinabi ni Creep tungkol sa pagpapahalaga ni Bien Lumbera sa "regional writings" sa bansa. Napakabalusabas na tinitipa niya ang iskolastikong paghihirap ni Bien upang bigyang-kasaysayan ang pilit na binuburang panitikan at kultura ng "rehiyon." Sa pahayag ni Creep, mahihibo na kinukuwestiyon niya ang intensyon ni Bien sa pag-aaral ng mga panitikang rehiyunal. Ani Creep, dalawa lamang ang maaaring dahilan ng pagpupursiging ito ni Bien: una, na nais diumano ni Bien Lumbera na magmistulang makabayan; ikalawa, na "makabayan" talaga si Lumbera kung kaya hindi dapat itanghal bilang National Artist. Hindi ako makapaniwala na guro pala talaga itong si Creep Yuson. Kunsabagay, tunay namang produkto siya ng kolonyal na mga institusyon at ng mga reaksyunaryong institusyon. Dapat gumawa ng bagong pagpuputong ang estado, tulad ng ginawang pagkilala kina Jovito Palparan -- ang "Pambansang (Reaksyunaryong) Alagad ng Sining."

Mas delikado pa ang patutsada ni Creep hinggil sa diumano'y pagiging "communist candidate" ni Bien Lumbera -- na kung tutuusin ay hinango ni Creep mula sa "talastasan" ng kaniyang mga kaumpugang-bote sa lawas ng inuman. Sabi pa ni Creep na ayon daw sa mga kainuman niya ay ang tanging matutuwa lamang sa napipintong pagkapanalo ni Bien Lumbera ay ang "extreme Left." Sa panahon ng malawak na kampanya ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo upang tugusin at tirisin ang mga progresibo at kritikal-sa-estado na mga elemento sa lipunan, ang ganitong pagtaguri ni Creep Yuson kay Bien Lumbera ay malinaw na tumutugma sa anti-teroristang histeryang pinamumutawi ng Imperyalismong Estados Unidos at ng mga kapanalig nito tulad ng administrasyon ni Pekeng Pangulong Arroyo. Sino ba ang pinal na magdedesisyon at pipirma ng pagtatalaga ng mga nanalo ng Pambansang Alagad ng Sining? Walang iba pa kundi si PGMA. Kaya malinaw na malinaw na malinaw na gusto lang iparating ni Creep Yuson kay Arroyo na hindi dapat pirmahan ng pangulo ang magiging rekomendasyong gawing National Artist for Literature si Bien Lumera dahil sa "sala" ng pagiging makabayan. Dapat personal na liham na lang ng paninira kay Bien ang ipinadala ni Creep Yuson kay PGMA.

3.
Creep Yuson. Yuck! Creepy!

3 Comments:

  • At March 26, 2006 8:31 AM, Anonymous Anonymous said…

    naalala ko un matandang kasabihan: Communism is our destiny..

    ay for dat!!

     
  • At March 27, 2006 5:32 PM, Blogger Adam! said…

    ang naaalala ko ay ang pagkocoin ng UP UGAT ng "that mongoloid smile"!

     
  • At April 04, 2006 1:39 PM, Anonymous Anonymous said…

    "Mas progresibo pa ang Naruto kaysa sa mga isinusulat ni Patricia sa kaniyang kolum."--

    that made me laugh.

    -lsqc alumni

     

Post a Comment

<< Home