Baldaduhan na Lang!
Inuumaga ang bahay tuwing Pasko.
Nagsusuka pa rin ito ng tao,
Naglalaway sa mga regalo,
At nagniningning ang daan-daang
Hiram na mga mata.
Napupuyat ang mga dingding
Ng tahanan, parang higanteng
Mga talukap na tinatambol
Ng tugtog at tawanan,
Ng kuwentuhan at kadyutan,
Ng bulungan at baldaduhan.
Na parang nakuryenteng yagbols.
Ihihiyaw nito ang paulit-ulit
Na kantang pinatugtog
Ng kaniyang mga bisita.
Ang kanta ng isang bandang
Di niya maalala:
“Sapakan na lang!
Tadyakan na lang!
Sampalan na lang!
Tadyakan na lang!
Tirahan, tirahan, tirahan,
Tirahan sa puwet!”