Jose Mari Chan, Meagan Aguilar at Mrs. Catotocan
Kung tama ang pagkakatanda ko, nung nakaraang Linggo ay kinapanayam sa Mel & Joey ng GMA 7 si Jose Mari Chan. Nakakatawang isipin na dito sa Pilipinas, ang susunod kay Hesus sa pinakasikat tuwing Pasko ay si Jose Mari Chan. Nobyembre pa nga lang, alam mong malapit na ang pasko dahil naririnig mo na ang malamig na tinig ni Jose Mari Chan sa radyo, sa mall, sa kalsada, sa bangketa ng mga piniratang CDs. Alam mong parang memoryado ng halos lahat ng tao ang mga linyang "Whenever I see girls and boys selling lanterns on the street, I remember the Child in the manger as He sleeps" at alam mong pasko na kasi hindi lang ito pasko ng kapanganakan ni Hesus kundi Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Jose Mari Chan. Ang hindi mo alam ay ang pamagat ng kantang pamasko ni Jose Mari Chan. ("Christmas in Our Hearts" ata).
At naalala ko dati ang isang isyu na kinasasangkutan nina Jose Mari Chan at Freddie Aguilar. Bukod sa si Freddie Aguilar ay may syota na kasing-edad ng anak niyang si Meagan Aguilar (na minsan nagpunta sa high school namin noon para magpromote ng isang Music Fair sa St. Joseph's College -- naka-elevator shoes pa nga si Meagan at ngumangata ng chewing gum -- Bazooka malamang), si Jose Mari Chan ay inaway diumano si Freddie Aguilar dahil kine-claim raw ni Freddie Aguilar na siya ang unang lalaking Filipino musician/singer na naging international; e nauna raw si Jose Mari Chan, sabi niya.
Nung nasa hayskul ako, mga kanta ni Jose Mari Chan ang kinakanta ko sa Music Class namin sa ilalim ng gurong si Mrs. Catotocan. Madali lang kasi ang lyrics ng mga kanta ni JMC, at bagay raw sa boses ko. Tsaka kaya mga kanta ni JMC ang kinakanta ko kapag eksam sa Music ay dahil ang pinsan kong si Kuya Alvin ay may Minus One ni JMC. Kaya ayun. Ganun. Back to Mrs. Catotocan. Si Mrs. Catotocan ay isa sa mga kinatatakutan at kinaaasaran kong guro nung hayskul. Masyadong istrikta kasi, tapos sa piano lessons namin sa kaniya, hindi hands-on ang pag-aaral. Pinagawa niya lang kami ng kunwari-kunwariang piano sa pamamagitan ng illustration board, tapos sasabihin niya, hit the Key of C. E ni hindi ko nga alam ang tunog nun sa piano e. Anyway, si Mrs. Catotocan din, galit na galit sa organisasyon namin, ang Lourdes School Chorale, kasi exempted kami sa MAPE (Music, Arts and Physical Education -- later on, pati sa CAT ay maeexempt din kami). Sa hitsura noon ni Mrs. Catotocan, halatang nilaspag na siya ng pagtuturo ng musika sa mga estudyante niyang sutil at pilyo -- tapos si Mrs. Catotocan parang ahas ang nguso at matang mabalasik -- pero ang nalaman ko ay si Mrs. Catotocan pala ay dating model ng shampoo.
Naalala ko noon na kinabisa, pinag-aralan at inawit ng klase namin ang "Pasko na Sinta ko" na mga taga-U.P. pala ang gumawa bago ito naging mas sikat dahil kay Gary Valenciano. At oo nga pala, Christmas Eve na ngayon.

2 Comments:
At December 25, 2005 7:47 PM, Anonymous said…
hala.. isa ka palang songer..
At December 27, 2005 8:14 PM, mykel andrada said…
ahahaha! oo! paminsan-minsan. me banda nga ako e. :)
Post a Comment
<< Home