Congrats, Nene; Congrats Ms. Iceland
Congrats, Nene!
Tuwang-tuwa ako dahil bukod sa nanalo si Nene bilang Pinoy Big Winner ay mas nakatutuwang isipin na isang kamatis na naapakan ang ego ni Baklang Uma dahil siya ang nakakuha ng pinakamababang bilang ng mga text-boto. Nasa 4% (50,000 plus) lang nakuhang boto ni Uma, kaya siya ang fourth placer. Buti nga sa kaniya.
Si Cass naman ang third placer. Nakakuha siya ng humigit-kumulang 200,000 na text-boto. Si Jayson naman ay mayroong humigit-kumulang 300,000 na text-boto at si Nene ay mahigit 500,000 text-boto ang nakuha. Kung piso bawat text ang boto (pero hindi), mayroon na agad P1 milyon ang tinabo ng cellphone companies pag pinagsama-sama. Mabuhay ang kapitalismo! Mabuhay ang pang-uuto!
Pero naiyak talaga ako nang makita ang pamilya ni Nene. Talagang simpleng-simple ang mga magulang ni Nene at alam mong lapat na lapat sa lupa ang kanilang mga paa. Naiinis na talaga ako kay Toni Gonzaga, kasi ang mas mahalaga para sa kaniya, dahil dikta ito ng ABS-CBN, ay ang atupagin ang mga isponsor. Pinaayos rin ni Toni si Nene nang pagtayo para kita ang mukha niya. Mukha namang krismas tri si Toni sa suot niyang pulampula. Dapat sumali na lang siya sa Ms. World dahil puwede silang mag-duet na sayaw ni Ms. Korea na kamukha ni Vivian ng Lovers in Paris.
Unang kita ko pa lang kay Ms. Iceland sa gabing ito ay parang sigurado na akong siya ang mananalo. At siya nga ang nanalo. Natalo ang Mexico, although runner-up siya. Mabuhay ang Third World. Mabuhay ang Tsina na isa na talagang kapitalistang bansa! Mabuhay sa pagturing sa kababaihan bilang mga karneng nais lapain at lantakan.
Mabuhay Gabby Lopez at iba pang patriark ng ABS-CBN sa paglalawa sa malulusog na dibdib ni Cass.
Sori Dennis Trillo, natalo ang siyota mo. Okay lang yan. Wag kang mawalan ng loob. Pagbalik niya sa Pilipinas, magiging bold star siya. Mabuhay!

2 Comments:
At December 16, 2005 2:31 PM, Anonymous said…
hi mykel, anong latest? napaka contemporary naman ng blog mo. walang pretenses! kakaaliw. ano kaya ang gagawing resbak ni rachel lobangco?
At December 28, 2005 2:36 AM, mykel andrada said…
hello nam,
niresbakan ni rachel lobangco ang mag-amang nambugbog sa kanya. may-ari ng tennis court yung tatay kung saan nagrerent si rachel. binugbog siya dahil sa kaingayan diumano. ngayon raw siya ay traumatized ng nasabing insidente at ayaw na raw niyang mag-tennis. ang nagagawa naman talaga ng tennis, ano? btw, ano nga pala ang blog address mo? sige. :)
Post a Comment
<< Home