Apartment sa Dapitan

Sunday, December 11, 2005

Melon Girls

Tulog na si Jerrie. Nakapulang t-shirt siya na may makintab na tatak na "Melon Girls." Kaya mula rito, nais kong maging ispontanyo.

* * *

Mas maagang natutulog ang mga pusa kaysa sa amin. Kaya nalulungkot ako dahil wala na akong kalaro. Nanonood ako ngayon ng Master Showman Presents, kung saan si Hero Angeles ay nagdiriwang ng kaniyang ika-21 kaarawan. Mataba ang mga pisngi ni Hero ngayon. Ang tingin ko tuloy sa mukha ni Hero ay tulad ng malaking mukha ni Kokoro.

* * *

Maraming bagay ang nangyayari sa akin ngayon. Tulad ng kailangan kong tapusin ang Book Report o Book Review ni Jay-ar para sa klase niya sa Filipino. Nagawa ko na ang "Mga Tauhan" na bahagi ng pagsusuri ng nobelang Makinilyang Altar ng aking paboritong si Luna Sicat-Cleto. Sa ngayon, ewan ko ba kung bakit tinatamad akong tapusin ang book review, samantalang alam ko naman ang gusto kong sabihin dun sa rebyu.

* * *

Re-resbak daw si Rachel Lobangco sabi sa patalastas sa Channel 7.

* * *

Natatawa ako dun sa "Get Me" episode ng Extra Challenge. Kasi hindi ko lubos-maisip na naglalaro ang mga matitipunong lalaki para sa atensiyon ni Ella B. ng Viva Hot Babes. E, puwede ba, wala akong nakikitang maganda kay Ella B. Sa katunayan, naiinis ako sa kaniya kasi masyado siyang maingay. Mas malaki pa ang kaniyang mukha kaysa sa mga boobs niya (so sexist!). At marami pang iba. Isa pa, mukha siyang pusang malaking-malaki ang mukha!

* * *

Si Kuya Germs ay isang naapakang kamias.

* * *

Si Tandang Baklang Macunat ay isang malibog, ambisyoso at slave driver na tumatandang paurong.

* * *

Naiihi na ako.

1 Comments:

  • At December 12, 2005 1:34 AM, Blogger Adam! said…

    Si Tandang Baklang Macunat ay isang malibog, ambisyoso at slave driver na tumatandang paurong.


    ahahahaha! okey 'to, a. at tama!

     

Post a Comment

<< Home