Apartment sa Dapitan

Friday, May 26, 2006

Stop the Killings of Activists!


Free Ka Bel, May 25, 2006 - 02
Originally uploaded by mykel andrada.

Sobra na. Tama na. Over na! Sover na!

Free Ka Bel, May 25, 2006, Welcome, Rotonda


Free Ka Bel, May 25, 2006 - 01
Originally uploaded by mykel andrada.

Mabuhay na nga pala ang pangalan ng Welcome ngayon. Anyway, pagkagaling namin ni Jerrie sa U.P. (at pagkatapos kumain sa McDo Banawe), pauwi ako sa bahay sa Iba. Nakita ko sa Rotonda ng Welcome/Mabuhay na may maliit na programa. Sabi ko, "Sana hindi yung epal at mapagpanggap na Akbayan." Buti na lang talaga hindi Akbayan. At buti na lang at ANAKPAWIS, COURAGE at KILUSANG MAYO UNO. Programa ito para sa paggigiit na palayain si Kong. Crispin "Ka Bel" Beltran, at upang manawagan sa gobyernong Arroyo na tigilan na ang mga pulitikal na pagpaslang sa mga aktibista't progresibo. Nais rin nitong himukin ang taumbayan na makiisa laban sa tumitinding politikal na agresyon at krisis pang-ekonomiya.

Tuesday, May 16, 2006

Jerrie (Yan!)


Jerrie (Yan!)
Originally uploaded by mykel andrada.

Si Jerrie yan noong Pasko 2004. Pareho pa kaming payat ng mga panahong ito. Bisitahin siya at ang ilan pang mga nilalang tulad ko at mga gamit at bagay at hayop at halaman at kung anu-ano na lang sa aking flickr account: http://www.flickr.com/photos/catukayo/

Amery Keithlyn on Flickr


Palakpak Naman Diyan!
Originally uploaded by Amery Keithlyn.
This is my niece, Amery Keithlyn. I made a flickr account for her. I took this picture of her yesterday morning, May 15, 2006, in front of our house in Iba, QC. The street is newly-cemented, only a few days old. :) Visit Amery Keithlyn at her virtual home in Flickr World. The address is: www.flickr.com/photos/amerykeithlyn

Sunday, May 14, 2006

Dexter's Pizza Atbp


Dexter's Pizza atbp, originally uploaded by catukayo.

Ito ang munting pinagsaluhan namin noong nakaraang kaarawan ko nung Huwebes. Salamat sa lahat ng pumunta (pamilya ko lang at extended family at siyempre si Jerrie). Salamat sa lahat ng bumati. :)

Saturday, May 13, 2006

Magkano ang Blog Mo?

Subukan n'yo 'to. Ewan ko kung gaano katotoo. Ito ang halaga ng kasalukuyan kong blog at ng mga lumang blog ko, ayon sa Blog Worth.



My blog is worth $7,339.02.
How much is your blog worth?




My blog is worth $12,419.88.
How much is your blog worth?





My blog is worth $12,984.42.
How much is your blog worth?

Thursday, May 11, 2006

MMDA Metro Panget


MMDA Metro Guwapo, originally uploaded by catukayo.

Ito yung tarp ng MMDA Metro Gwapo na kinunan ko sa island malapit sa kanto ng Sto. Domingo, malapit sa daan papunta sa bahay ni Jerrie. Maganda itong intertext sa Urbana at Feliza. Modernisasyon ek ek ek.

1:11 AM

Sabi dito sa orasan ng laptop ko ay 1:11nu na. Ibig sabihin 1:11nu ko sinimulang isulat itong blog entry na ito. Sa oras, minuto at sandaling ito, nagpapasalamat ako kay Jerrie. Tinitingnan ko ang mga litratong kinunan namin ni Jerrie noong Mayo 8, 2006 (Lunes). Mga kuha sa Chowking sa bagong gusali sa kanto ng Araneta Ave. at Quezon Ave. May katabi rin itong Starbucks na dalawang beses na naming pinuntahan ni Jerrie. Mga kuha ng tarpauline ng MMDA Metro Guwapo, na talagang sinadya kong kunan dahil magagamit namin ito sa pagtuturo ng Pan Pil 12 (Text Mo / Text Ko).

Salamat Jerrie sa malaking Toblerone, sa magasin, at sa biloy mong laging nagpapangiti sa akin.