Free Ka Bel, May 25, 2006, Welcome, Rotonda
Free Ka Bel, May 25, 2006 - 01
Originally uploaded by mykel andrada.
Mabuhay na nga pala ang pangalan ng Welcome ngayon. Anyway, pagkagaling namin ni Jerrie sa U.P. (at pagkatapos kumain sa McDo Banawe), pauwi ako sa bahay sa Iba. Nakita ko sa Rotonda ng Welcome/Mabuhay na may maliit na programa. Sabi ko, "Sana hindi yung epal at mapagpanggap na Akbayan." Buti na lang talaga hindi Akbayan. At buti na lang at ANAKPAWIS, COURAGE at KILUSANG MAYO UNO. Programa ito para sa paggigiit na palayain si Kong. Crispin "Ka Bel" Beltran, at upang manawagan sa gobyernong Arroyo na tigilan na ang mga pulitikal na pagpaslang sa mga aktibista't progresibo. Nais rin nitong himukin ang taumbayan na makiisa laban sa tumitinding politikal na agresyon at krisis pang-ekonomiya.
9 Comments:
At June 04, 2006 5:03 PM, Anonymous said…
sino ang mapagpanggap. sino ang doble kara. sino ang may ilalim at may ibabaw. sino ang may lantad na maskara at may tinatago. ang Akbayan ay what you see is what you get.
At June 06, 2006 7:45 PM, Anonymous said…
sino nga ba? kaniya-kaniya lang naman ng paniniwala yan...
-mikus
At June 07, 2006 12:04 AM, mykel andrada said…
wala na ngang iba kundi akbayan lang. akbayan ang pinakanakasusukang mapagpanggap na partido pulitikal na nagnakaw ng boto noong nagdaang eleksyon. walang ipinagkaiba kay gloria, mga mandaraya ang akbayan. wala akong panahon sa mga hindi marunong mag-identify ng kanilang mga sarili. cloaking, anonymity. pweh!
At June 14, 2006 11:34 AM, Anonymous said…
ang pagnanakaw ng boto na sinasabi mo ay puro paninira na wala namang basehan. masama lang ang loob mo dahil hindi nanalo ang Anak Bayan.
pero kung ako ikaw ipokus na lang natin ang pag-atake kay Glue-ria Macapal Arroy-ko at sa mga trapo. nakakasira ka lang ng pagkakaisa ng mga lumalaban sa kasalukuyang pasistang gobyerno.
At June 15, 2006 1:14 AM, mykel andrada said…
totoo naman talagang nagnakaw kayo ng boto e, kung taga-Akbayan ka. tsaka for your information, hindi Anak Bayan iyon kundi Anak ng Bayan. Ang mga ninakaw nyong boto ay sa pagbibilangan. dapat ang botong anak bayan ay sa Anak ng BAyan pero pag binibilang nyo sa mga presinto at mga tauhang binayaran nyo ay sa akbayan nyo binibilang. magtigil ka kung di mo kayang magpakilala. napakaduwag mo. ganyan kayong mga akbayan, duwag. at puwede ba, kayo nga ang mapanghati sa kampanya para sa pagpapatalsik kay arroyo. kaya tigil-tigilan mo ako. nang-agaw pa kayo ng eksena sa UP, e mga taga-UP ang nag-organize nun, pati ang nag-ayos ng venue sa Quezon Hall, pero kayo ang umepal with your small membership and your many flags. daanin ba sa flags! kaya puwede ba wag ka nang bibisita rito, at kung ako sa yo, aba'y magwasto ka at ang mga kasama mo, at maging matapang, at wag lang dada nang dada. bukod sa anti-arroyo na kampanya, dapat ding maihiwalay ang mga trapong tulad nyo na nag-aastang aktibista. dahil sa kasaysayan, napatunayan na kung gaano kayo kagahaman sa kapangyarihan at kung gaano kayo karumi sa pamumulitika. tantanan mo ako!
At June 15, 2006 4:56 PM, Anonymous said…
talaga nga naman kahit sa gitna ng pasistang pag-aatake ay sektaryan pa rin kayo. makitid talaga ang isip mo.
ang talagang gusto ninyo ay monopolisahin ang politika ng kaliwa bilang paghahanda sa absulotong paghahari. kahit nga ang anak mindanao (amin) ay pinaratangan nyong nandaya rin sa eleksyon. pero tulad ng ibang paninira ay wala namang sapat na pruweba. puro lang kayo dakdak.
pero hindi na kita papatulan at ipopokus ko na lang ang oras ko paglaban sa pekeng pangulo at sa pasistang gobyerno kaysa magsiraan pa tayo dito sa blog mo.
At June 15, 2006 5:02 PM, Anonymous said…
pangalan? mahalaga ba ito. mas mahalaga ang ideya. pero kung talagang gusto mong malaman. o sige.
At June 15, 2006 5:15 PM, Anonymous said…
pangalan? mahalaga ba ito. mas mahalaga ang ideya. pero kung talagang gusto mong malaman. o sige.
speaking of trapo sino ba ang agad yumakap kina jinggoy estrada, jv ejercito, imee marcos, ping lacson at iba pang mga madudungis na politiko?
sa halip na kabigin muna ang mga demokratiko at panggitnang pwersa ay sumama agad kayo dito. medyo mahirap tuloy pakilusin ang mga pangitnang pwersa at natatakot na sila ang kapalit ni arroyo.
At June 16, 2006 4:02 AM, mykel andrada said…
hay naku, ang mga "lutang" talaga! mali pa ang paggamit sa adjective na sectarian. josko.
jay robles, may i just remind you, that our names are as important as our principles. in the field of hermeneutics, and even in the vaguest sense of liberal humanism, ideologies are named. to spew words, justify actions, and claim principles, we never should be afraid to commit our names. you've been absolutely sinful of this. to divulge your name (if it were your true name) in the bleakest end of your "engagement", this late, is nothing but a listless excuse for self-salvaging.
we have never embraced the ruling class. even your "political party" can attest to that. even your "political party" believes in a united front, a broad alliance. so don't you dare accuse us of embracing the different cliques of the ruling class. study more, dear. and please, do be critical and be accountable for your criticisms. you might even earn my respect. would you mind telling me your blog address?
Post a Comment
<< Home