Apartment sa Dapitan

Friday, April 22, 2005

SUMMERY EXECUTION

Nagsimula ang summer classes nitong Lunes. Masaya naman, so far. Matatalino ang mga estudyante, at nagpapartisipa sa mga talakayan. Mas lalo akong naeeksayt. Iyon nga lang, pagkatapos ng apat na oras na tuloy-tuloy na klase -- pakikinig at pagsasalita at pakikinig at pagsasalita -- tuyot na tuyot ang lalamunan ko at hinihingal ako at parang may sayawan sa loob ng utak ko at malakas ang bababoomboom sa mga nagsasanga-sangang malalansang kalye sa ilalim ng aking bumbunan.

Nararamdaman kong simula na talaga ng summer classes dahil HINDI NA AKO NAKAKAPANOOD NG DVDs, gabi-gabi. Ngayong gabi naman, gusto ko nang matulog pero di ako makatulog kahit na sa katunaya'y antok na antok na talagang-talaga ako. Bukas ay graduation ng mga estudyanteng magsisipagtapos ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL). Marshall ako, kaya magbabarong at magsa-sablay ako. Two years ago, nakabarong at nakasablay rin ako sa graduation ng batch namin nina Reagan at JPaul at iba pang tibak. Ngayon naman, sina Piya at Dell ang magmamartsa bukas. Eksayted na eksayted ako para sa kanila, kahit napipilitan lang yung dalawa na dumalo, hehehe.

Ampayat ni Piya. Hindi naman yung patpatin. Di lang ako sanay. Si Dell naman active at talkative as ever; the familiar chitchating aura, ika nga.

Nagtext si Cynthia kanina, may sakit pala siya dalawang araw na. Di ko man lang siya matext kasi ubos na ang load ko.

May sakit rin ang nanay ni Jerrie, naka-confine sa ospital ngayon, isinusuka raw ang lahat ng kinakain. Nakadextrose ngayon. Sana gumaling na agad ang nanay ni Jerrie.

Kumain kami ni Will sa Wendy's kanina. Naibigay ko na sa kaniya ang DVD copy niya ng Chungking Express na nabili ko sa Quiapo. Pasado alas-siyete na kami nakarating sa SM North Edsa, dahil sa katagalan ko. Bukas, mag-aayos kami ng mga upuan para sa graduation, alas-diyes ng umaga.

Nalalaman mong "you're spreading yourself too thinly, again" kapag hindi ka na nakapanonood ng DVDs, gabi-gabi.

UPWC//LITAPP FOLIO 2005: CALL 4 SUBMITS

UPWC//LITAPP 2005 CALL FOR SUBMITS

nagbabalak ang UP WRITERS CLUB na maglabas ng kanilangliterary folio, the first in TWELVE FUCKING YEARS,man, kaya, putsa, EVENT 'to, pare. magpasa ng PINOY oINGLES na mga akda kay Jun Cruz Na Ligas, sa kanyangeMail address na juncruznaligas@gmail.com at ke CarlJavier na rin, sa eMail niyang carl.javier@gmail.com para koey, para masaya, para marami.

wala naman ata 'tong tema, pero kung ako angtatanungin, panalo sana kung panay mga akdang palaban,in the sense na, nilalabanan niyo 'yung mga haligikumbaga, 'yung papataubin ang estante ng panitikangpilipino, kung ano man ibig sabihin n'un sa inyo. gayakunwari nung akda nung isa sa mga nakapagbigay na, natungkol sa LITERARY MAFIA at PADRINO SYSTEM, amongother topics; at 'yung isa naman, tungkol sa PROSESONG PAGTUTURO NG PANITIKAN SA PILIPINAS, mga metapoetryna hindi lang pagsusulat ang tinitira, kun'di angbuong mundo na ng panitikan at pagsusulat sapilipinas.

HOLISTIC COLLECTION sana ang gawin natin,lahat ng related topics dito, subukang gawan ng akda,gawan ng kumento, 'di ba? para solid. 'yung tipong, NONREQUIRED READING siya, ANTI-THESIS ngmga ibang LITERARY JOURNALS na naililimbag sa kungsaan-saan, mga kuwentong kabaklaan na masaya, mgakalesbiyanahan na positive ang ending, mga kuwentongkamachuhan, mga babaeng binubugbog at gumaganti peropinapakulong, mga kuwentong hango sa buhay ng mgataong 'di pa ipinapanganak, mga hango sa paboritingmga kanta o idolong manunulat na hapon, lahat ngpuwedeng maisip at 'di-maisip pero kayang maisulat,mga kuwentong 'di papasa ke Paolo Manalo o sa Palancao sa Tinig.com o sa Women's Weekly, mga 'di momakikita sa website ni Ian Casocot, mga mababasa molang sa blog-blogan, pakipasa pakipasa pakipasa.

mga tula't kuwento, parehong okey, pero sana ilimitanatrin ang mga sarili sa iilang pahina lang, mgatatlo, ganun, kasi kapos tayo sa espasyo, unless maymagbigay ng malakilaking pera sa librong ito, paradumamidami at kumapalkapal naman ang LITAPP. meronbang makakapagbigay ng pera sa amin? i-eMail dinkaming dalawa ni Carl, at mag-usap tayo. at mga komiks din, welcome, mga kantang naisulat,lagyan natin ng chords at tabs, gaya ng SATAN RULES oSHIELA DOESN'T LIVE HERE ANYMORE ng Easy Fagela AndThe Forces Of Evil, na sana ibigay nila, at lagyan ngchords, para kakaiba. basta, 'yung mga palagay mo ay'di pa naiaadress nang maayos, o 'di pa naiaadress atall, gawan niyo ng kuwento, ng tula, ng malikhaingakda na makakapagpabago ng buhay ng mambabasa, 'yungtipong makapagbibigay sa kanila ng panibagong mgaideya at pananaw sa buhay. ang THOUGHT-PROVOKING nganaman ay mga bagay-bagay na kikiliti sa mga tao paramakapag-isip ng mga bagong ideya, hindi paguulit ngmga ideyang alam na nila. kaya ayunh, pakipasa na lang ke Carl Javier sacarl.javier@gmail.com at kay Jun Cruz Na Ligas sajuncruznaligas@gmail.com sa RTF o JPGs kung may mgalitratong gustong ilagay. pakipasa 'to sa lahat ngkakilala ninyo, kahit 'yung mga tipong 'di nagsusulato 'di na nagsusulat, baka makapagsulat sila uli, obaka subukan na nila biglang magsulat dahil sapangungulit ninyo, basta.

HULING ARAW NG PAGSUSUMITE: MAYO UNO TWO THOUSAND LIMA salamat!!

- HAWTHORNE MARCOS, III
Pilipinong Patnugot

Tuesday, April 19, 2005

Lagnat

Maaga akong nagising kanina.

Alas-singko pa lang ng umaga ay gising na ako. O mas magandang sabihing nagising ako; Nagising ako dahil nangangaligkig ako, kahit na hindi naman talaga malamig. Pinagpapawisan ako ng malagkit, parang yung suman na inalmusal ko nung Lunes. Kung gaano kalagkit ang katawan ko, ganun naman katuyo ang lalamunan ko.

Pagtayo ko, halos matimbuwal ako, dahil kasimbigat ng refrigerator ang ulo ko. Tamang-tama't bumaba ang nanay ko, pinagluto ako ng pansit canton, at tinanong kung handa na ba akong pumasok para sa ikalawang araw ng Tag-init 2005. Sabi ko, "masama ang pakiramdam ko." Agad niyang sinapo ang pisngi at leeg ko. "Baka makuha sa Biogesic," sabi ko. Naligo na ako.

Para akong umasong dry ice nang buhusan ko ng tubig galing sa poso ang katawan ko. Lalo akong gininaw.

Alas-siyete, bihis na ako maliban sa pulang Chucks ko. Pagyuko ko para kunin ang isang kaparis ng medyas, lalo akong nahilo. Kaya minabuti ko na lang na wag pumasok.

* * *

Nagising uli ako kaninang alas-dos ng tanghali. Kumakalam ang sikmura ko. Masarap ang sopas na niluto ng nanay ni Karen. Nakakahiya, hanggang ngayon di ko pa rin alam ang pangalan ng nanay niya.

* * *

Limang buwan na si Amery. Nakakatuwa talaga siya. Makapal na ang buhok at masayahin. Mahilig siyang manood ng TV.

Sabi ni John Berger sa kanyang aklat na Ways of Seeing, "Seeing comes before words. The child looks ang recognizes before it can speak."

* * *

Inaantok na naman ako. Tapos ko nang ipost ang assignment at ilang pabatid para sa mga estudyante ko sa Pan Pil 17. Pati yung binuno kong silabus ay ipinost ko na rin. Ipapaxerox ko na lang bukas. Pati ang listahan ng mga topics. Eksayted ako sa dalawang Pop Culture classes ko ngayong Summer. Sana marami kaming magawa, kahit na sa maiksing panahon.

Tuesday, April 12, 2005

What's Missing or Who's Missing

There was not a single strand of hair in my pocket.

It was a night like a raft on murky water, the surface constantly breaking, even on halts, tired or otherwise. The sky was charcoal unscathed, seemingly soft, yet hard, and palpably untouchable, like a redish black clothe.

She used to say that moments crease like a bunch of weeds in her hands. You know, the kind when you want to jack off but remain unslighted, by the, what else, but the hand of time. It seemed impenetrable, you know, her eyes, like droping gumamelas on a late summer’s night. And her hair, thick like old wilted rose petals.

I imagined our next meeting to be a bit nastier. You know, with handcuffs, with hair in my pocket.