Apartment sa Dapitan

Friday, April 22, 2005

SUMMERY EXECUTION

Nagsimula ang summer classes nitong Lunes. Masaya naman, so far. Matatalino ang mga estudyante, at nagpapartisipa sa mga talakayan. Mas lalo akong naeeksayt. Iyon nga lang, pagkatapos ng apat na oras na tuloy-tuloy na klase -- pakikinig at pagsasalita at pakikinig at pagsasalita -- tuyot na tuyot ang lalamunan ko at hinihingal ako at parang may sayawan sa loob ng utak ko at malakas ang bababoomboom sa mga nagsasanga-sangang malalansang kalye sa ilalim ng aking bumbunan.

Nararamdaman kong simula na talaga ng summer classes dahil HINDI NA AKO NAKAKAPANOOD NG DVDs, gabi-gabi. Ngayong gabi naman, gusto ko nang matulog pero di ako makatulog kahit na sa katunaya'y antok na antok na talagang-talaga ako. Bukas ay graduation ng mga estudyanteng magsisipagtapos ng Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL). Marshall ako, kaya magbabarong at magsa-sablay ako. Two years ago, nakabarong at nakasablay rin ako sa graduation ng batch namin nina Reagan at JPaul at iba pang tibak. Ngayon naman, sina Piya at Dell ang magmamartsa bukas. Eksayted na eksayted ako para sa kanila, kahit napipilitan lang yung dalawa na dumalo, hehehe.

Ampayat ni Piya. Hindi naman yung patpatin. Di lang ako sanay. Si Dell naman active at talkative as ever; the familiar chitchating aura, ika nga.

Nagtext si Cynthia kanina, may sakit pala siya dalawang araw na. Di ko man lang siya matext kasi ubos na ang load ko.

May sakit rin ang nanay ni Jerrie, naka-confine sa ospital ngayon, isinusuka raw ang lahat ng kinakain. Nakadextrose ngayon. Sana gumaling na agad ang nanay ni Jerrie.

Kumain kami ni Will sa Wendy's kanina. Naibigay ko na sa kaniya ang DVD copy niya ng Chungking Express na nabili ko sa Quiapo. Pasado alas-siyete na kami nakarating sa SM North Edsa, dahil sa katagalan ko. Bukas, mag-aayos kami ng mga upuan para sa graduation, alas-diyes ng umaga.

Nalalaman mong "you're spreading yourself too thinly, again" kapag hindi ka na nakapanonood ng DVDs, gabi-gabi.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home