Wednesday, June 14, 2006
Teachers and Employees Against Arroyo's Charter Change (TEACH). Ilan lang ang mga guro't empleyado sa lumahok sa libu-libong nagprotesta noong Hunyo 12, 2006 sa Mabuhay, Rotonda papuntang Liwasang Bonificio upang ipanawagan ang pagbasura sa Cha-cha at ang pagbibitiw ni Gloria Macapagal-Arroyo.
Sunday, June 11, 2006
Mga Mangingisda ng Pundakit na inagawan ng Lupa at Tubig
Mga mangingisda ng Pundakit na inagawan ng lupa't tubig ng Amerikanong si Henry at ng lokal na pamahalaan at burukrasya. Ikatlong araw sa Pundakit, Hunyo 5, 2006.
Friday, June 09, 2006
Bagong Biktima ng Rehimeng Arroyo
Nagsisindi ng kanidla si Ka Daning Ramos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) para sa pinakabagong biktima ng extrajudicial killings ng rehimeng Arroyo sa isang kasama sa Isabela. Hunyo 8, 2006, sa tapat ng Department of Agrarian Reform sa Elliptical Road. Lampas na sa 620 ang bilang ng mga politkal na pagpaslang sa mga manggagawa, aktibista, lider-obrero, magsasaka, estudyante at iba pang progresibo.
Dalawang Pangamba
Dalawang pangamba ang matutunghayan sa sitwasyong pulitikal sa Pilipinas. Ang dalawang pangambang ito ay mahigpit na magkaugnay. Anuman ang kalagayan natin sa buhay, uri ng kabuhayan, at mga kinagawian, ang dalawang pangambang ito ay hinding-hindi natin matatakasan.
Ang unang pangamba ay ang pangamba ng pamahalaan. Kahit na anong pagkukubli ang gawin ng pamahalaan, hindi nito kayang itago ang kaniyang pangamba. Nanginginig ang boses ng pangulong Gloria dahil sa pagsisinungaling. Nanginginig ang mga kamay ng militar kapag nanduduro ng mga aktibista’t progesibong tinatawag nilang “terorista,” “destabilizer,” o “latak ng lipunan.” Nanginginig ang mga katawan ng iba’t ibang elemento ng pamahalaan kapag nagpapalabas ng mga balita ng kasinungalingan ang Malakanyang.
Ang pinakamataas na uri ng kasinungalingan ng pamahalaan ngayon ay ang pagsasabing matatag ang kaniyang republika. Makikita raw ito diumano sa malakas na suportang militar sa gobyerno ni Arroyo. Ngunit ang ganitong sitwasyon ay manipestasyon lamang ng isang nangangambang pamahalaan. Sa panahon na walang tiwala ang mamamayan sa pamahalaan, pinatitindi ng gobyerno ang pasismo. Samakatuwid, ang pasismo ng estado ang tiyak na sintomas ng nangangamba’t naghihingalong panunungkulan.
Sa ganitong pangamba ng pamahalaan pumapasok ang kaakibat na ikalawang pangamba: ang pangamba ng mamamayan. Dahil sa pasismo ng estado, tila nagiging normal na sa mamamayan ang mangamba at matakot. Pinatitindi pa ito sa pamamagitan ng pagliligalisa ng mga represyong pulitikal ng pamahalaan at agresyong pulitikal ng militar sa pamamagitan ng mga hungkag na proklamasyon tulad ng PP 1017.
Ang pangangambang ito ay nabibigyang-mukha at pangalan ng mga tala ng KARAPATAN, isang alyansa ng mga human rights advocate. Simula nang maupo sa puwesto si Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001, humigit-kumulang sa 620 na ang mga kaso ng pulitikal na pagpaslang sa mga opisyal at miyembro ng mga kilalang progresibong organisasyon tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at Kilusang Mayo Uno. Bukod dito, lampas sa 300 na ang kaso ng mga “attempted killings.”
Simula rin noong 2001, tinatayang nasa 128 na ang kaso ng “political involuntary disappearances” o ang pagdukot at biglaang pagkawala ng mga kasapi ng mga pulitikal na organisasyon at mardyinalisadong sektor. Gayundin, nasa 50 na ang bilang ng mga lider-unyonista na nakaranas ng represyong pulitikal mula sa gobyernong Arroyo.
Ngunit ang pangamba ng mamamayan ay hindi nangangahulugan ng pagkukubli, pagtatago at pagsasawalang-bahala. Ang kondisyon ng pangamba ng mamamayan ay sinusuri bilang sitwasyon ng pagbubuo ng pulitikal na paninindigan. Kung kaya ang pangamba ay dapat maging tungtungan ng aktibong paglahok upang mawala ang sanhi ng pangamba.

Wednesday, June 07, 2006
Cottages sa Pundakit, Hunyo 4, 2006
Yung cottage sa kaliwa ang pinakamalaking cottage. Marami kami dito, mga 5 couples and three sections ng Kule. Yung gitnang cottage ang cottage ng Grafix section. Yung pinaka-right ang kay Ives, Ate ni Meg. Yung nasa likod na cottage ng gitnang cottage ay ang C.R. Ganda ng pine trees o! Hanggang sa bundok kung saan nakatira ang mga Ita ay nagkalat ang Pine Trees. Nagsulputan daw talaga nung pumutok ang Pinatubo. Second day namin ito sa Pundakit. Kami lang ang tao sa Pundakit. As in "the whole island was ours."
Duyan sa Pagitan ng Dalawang Pine Tree sa Pundakit, Zambales
Isa sa benepisyo ng pagputok noon ng Mt. Pinatubo ay ang pagkalat ng mga pine tree sa kalakhan ng Pundakit, Zambales. Nakakamangha ano? May pine trees sa dalampasigan. Astig talaga. Parang Koreanovela ang dating ng senaryong ito. Hunyo 3, 2006. Unang araw sa Sitio Talisain, Pundakit, Zambales. Ito ang isla kung saan kami nagstay mula Hunyo 3 hanggang Hunyo 5, 2006 para sa Consolidation activity ng Kule. Buti na lang at isinama ako ni Jerrie.
Saturday, June 03, 2006
Dora the Explorer
Paborito ni Amery, pero actually, ang peyborit niya lang ay yung opening song ni Dora. Namemorize ko na nga sa kakapaulit-ulit dahil iyon lang namang kanta ang pinapanood/kinggan ni Amery e, hehehe. :) P35 lang itong 7 in 1 na ito sa mga bangketa sa Quiapo.
Tandang ni Tito Bobot
Isa sa apat na tandang ni Tito Bobot, ang kapitbahay namin, asawa ni Tita Alice, na mabait na kapitbahay namin na talagang tinulungan kami nung walang-wala kaming pera dati. As in lagi namin silang inuutangan kasi may sarisari store sila.
Pusang Main Libe
Sa labas ng U.P. Diliman Main Library. Mailap ang pusang ito, ang hirap kunan. Masdan rin ang aking Peter Pan shadow.
Pusang Vinzons
Sa Vinzons Hall, ang Student Center ng U.P. Diliman, where I spent a good feat of my four years in college. Snow cat look-alike?
Pusang Simbahan
Sa Sta. Teresita del Nino Hesus Parish Church kung saan ako nagkakatesismo dati. Nahuli rin ako sa simbahan na ito na nakikipaghalikan at yakapan. Mwahahahaha!
Thursday, June 01, 2006
McPls. McWatch McYour McStep
Pls. McWatch Your McStep
Originally uploaded by mykel andrada.
McNang Mcminsang Mckumain Mckami Mcni Mcjerrie Mcsa McDo McBanawae Mcbranch, Mctinanong Mcsi Mcjerrie Mcng Mcmanager Mckung Mctaga-McUP Mckmi. Mckasi Mcraw Mcpamilyar Mckami. Mcsosoyal!
Pusang Iba, Si Ludovic
Pusang Iba, Si Ludovic
Originally uploaded by mykel andrada.
Si Ludovic, ang aking pusa sa Iba. Akala ko dati'y lalaki siya kaya Ludovic ang ipinangalan ko. Iyon pala'y babae siya! Nyaah ngiyaw!