Apartment sa Dapitan

Wednesday, July 04, 2007

Tula: Ang Bugtong na Ina (Human Security Act)

Ang Bugtong na Ina ng mga Terorista

Mykel Andrada

Ang anak ay nakaupo na,

Ang ina’y gumagapang pa.

Nang ang Ina’y makaupo na,

Ang mga anak ay pinagapang na!

Hindi hari, hindi pari,

Nagdadamit ng sari-sari.

Parang si Imelda, parang si Cory,

May anak na palalo’t maarte.

Dalawang bundok,

May holen sa tuktok.

Mukhang matambok,

May holen sa sulok.

Isang prutas,

Pito ang butas.

May higanteng nunal,

May pitong sungay.

Isda ko sa Mariveles,

Nasa loob ang kaliskis.

Isda ko sa Pasig,

Bilasa, balisa.

Heto na si Kaka,

Bubuka-bukaka.

Heto na ang reyna,

Nagmamaldita!

Heto na si Dong,

Bubulong-bulong.

Heto na ang batas,

Butas-butas.

Dumaan si Tarzan,

Nahiwa ang daan.

Dumaan si Mahal,

Sumikip ang daan.

Sinampal ko muna,

Bago ko inalok.

Sinasampal ka na,

Ba’t di ka pa lumahok