Ang mga Hurado ng 2006 KALkaibang Idol
Pagpapakilala sa mga Hurado ng KALkaibang Idol
HOSTESS:
And now, for the distinguished members of our Board of Boring Judges… Sa kanilang mga lalamunan nakasalalak ang kapalaran ng ating mga kontestant – kung ang inyo bang mga Idolo ay makalulunok o mabibilaukan? Kung sila ba ay maduduwal o mahuhubuan ng salawal?
Let’s get them undressed! Ay! Sori po! Pasensiya na! Let’s get the ball kicking… Dahil espesyal ang KALkaibang Idol, at dahil kauna-unahan ito, at dahil espesyal ang ating judges, ipapakilala ko sila sa pamamagitan ng panitikan, ng literature, ng speech, ng drama, ng language, ng pagkain ng apoy, ng paglublob sa kumukulong laway… seriously, nag-research ako, nag-archival work, naghalughog sa mga lumang baul, nagmasid sa happenstance and serial transmogrification of society brought about by the hermeneutical dialogues of the forces of literary and cultural production and the regurgitating notions of reflexivity versus culpability in the stream of deliberate unsconsciousness. Sa madali at maikling salita, narito po ang ating Board of Boring Judges!
A. LIYO ALMA
Para sa ating unang hubadero, este hurado… Siya ay kilalang makata. At siyempre, kapag makata, naiisip natin agad na makating-makati… ang kaniyang… kamay… dahil gustong-gustong magsulat… at nakakakiliti… ang kaniyang… imahinasyon (kunwari’y sinasalat ng host ang kaniyang sarili na tila kinikiliti). Nagawaran siya ng pinakamataas na karangalan bilang Alembong ng Sinaing para sa Itikan. Siya ang nag-iisa… ang ayon nga sa matandang kasabihang Tagalog ay “nagmamatandang kulit.” Sasabihin kaya ng nagmamatandang kulit na ito sa mga Idolo ang salawikaing “Malakas ang loob, mahina ang tuhod”? Ipahuhula kaya niya sa mga Idolo ang sagot sa bugtong na “Hinalo ko ang nilugaw, nagtatakbo ang inihaw”? Ang Dekano ng Kanto ng Arte at Literatura… Let’s give him a warm round of applause… LIYO
B. MAMITA LUMBERITA
Ang ating susunod na hubadero ay isa ring dakilang Alembong ng Sinaing… para sa Itlugan. Bilog na bilog siya, singkit ang mga mata, at tila naging inspirasyon ni Yoyoy Villame sa pagsulat ng awiting “Butchikik.” Sa mga estudyante, siya ang pampanitikang bersyon ng anime character na si Doraemon. Kilalang iskolar ng panitikan. Sa katunayan, isa siya sa naghawan ng landas upang pagsikhayan ang pag-aaral ng panitikang rehiyonal. Kaya hindi nakapagtataka na napakaraming nagtext sa amin ng kanilang mensahe ng pagsuporta para sa huradong ito. Daig pa niya ang mga kontestant sa dami ng text messages! Basahin natin ang ilan:
2. Mula kina Lumawig at Kabigat ng mga Kankanay, “You surely ate the meat.”
3. Mula kay Anonymous ng Hilagang Luzon, “No baro narukop, no daan nalagda.” Sa Filipino, “Kung bago’y mahina, kung luma’y malakas.” Sandali, di ba “burita” ito o bugtong ng mga taga-Hilagang Luzon? At ang sagot dito ay “ebak ng kalabaw”? Bad ka, Anonymous!
4. Mula uli kay Anonymous, pero this time ng Pampanga,
“Lalagari, lalagari, / lalam bale na ning pari; /papalacul, papalacul, /lalam pale na ning hukom.”
5. Mula kay Jowa ng Areneo, “Hoy, baklang host! Huwag mong landiin ang asawa ko! Keri?”
Ay! Kakaloka naman tong si Jowa of Areneo. And with that, ipapakilala ko na ang ating hurado. Let’s give him a… Merry Christmas… MAMITA LUMBERITA.
C. MARIA CACAO
Para sa ating susunod na hubadero, este hurado, siya ay ang Tsansing Lord, este Tsanselor ng Yupi Kadiliman. I’ll make this short but very sweet.
Heto na si Ka-Cao, bubuka-buka-Cao!
Heto na si Maria, nagluluto ng cacao!
Heto na si Cao, magbubungawngaw!
Let’s give a warm… cup of hot chocolate to… Tsansing Lord MARIA CACAO.
D. EVERBELENA ROMANCE
And finally, heto na. Para sa ating huling miyembro ng Board of Boring Judges. Siya ang sagot sa bugtong na “Gumagapang na ang anak, ang ina’y nakaupo pa.” Ayon naman kay Fray Francisco Bencuchillo sa Arte poetico tagalog naman,
“Yaong luklukang masaya
Walang katapusa’t hanggan,
Sa langit natatalaga
Di masapit ng may sala.”
Ayon naman kay Susan Roces, “Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.”
At higit sa lahat, ito ang pinakaimportante… at sobrang may koneksyon ito talaga sa ting susunod na judge… ayon sa MMDA ni Bayani Fernando, “Walang tawiran, nakamamatay.”
Mayroon pong kasabihang dayuhan, “In
(Grabe. Wala akong ibang naisulat. Pero at least, nakapagsulat ako.)
2 Comments:
At December 13, 2006 10:58 AM, unknown particle said…
oo nga hindi ko nacarry to grabeh buti di ka habulin nina RIO ALMA nyan sabagay di na sila makakatakbo pa baka atakihin bigla.
>
At August 25, 2018 11:50 PM, Momshie Stef said…
😂👏
Post a Comment
<< Home