Pilay-Hangin
Nalaman ko kay Kuya Eric kahapon, habang abalang-abala ako sa pangangarag sa mga gawain, na ang lamig na nabubuo sa katawan ng tao dulot ng hangin o pagiging babad sa basa ay tinatawag palang "pilay-hangin." Ang tawag ko dati dito ay "alcoholic bubbles," dahil noong mas bata pa ako at gabi-gabing umiinom ng serbesa, napapansin kong nakasasapo ako ng bilog-bilog na matitigas na konkoksyon sa aking likuran. Pero ngayong mag-iisang taon na akong hindi umiinom ng kahit na anong alkoholik na inumin ay mayroon pa ring pasulpot-sulpot na bilog-bilog na matitigas na konkoksyon sa aking likuran.
Hindi lang simpleng matigas na bilog-bilog na konkoksyon ito, kundi parang patalim na nakatusok sa likod, o di kaya'y parang natuunan ng tuhod o siko, o nadiinan ng dulo ng sanga o hawakan ng walis tambo. Pilay-hangin pala ito. Hindi na ako ganung nagtataka nang ipaliwanag ito ni Kuya Eric. Ang totoo kasi, pasaway ako pag natutulog at pag naliligo sa umaga. Sa gabi o madaling araw, kahit malamig, pinipili ko pa ring matulog nang walang pang-itaas na saplot. Masarap kasi ang lamig ng hangin, laluna iyong pinaiikot ng bentilador tuwing umuulan. Sa umaga naman, dahil sa pagmamadali para sa alas siyeteng klase, kahit na alam kong mangangaligkig ako ay pinipili ko pa ring maligo nang malamig ang tubig.
Balak kong magsulat ng nobela na ang sentral na metaporang paglulunsaran ko ay ang Pilay-Hangin. Kung hindi ko magawa ang nobela, sigurado akong gagawin kong maikling kuwento o futuristic fiction ang konseptong ito, at pamamagatan kong "Pilay-Hangin" ang nasabing akda. Sana!
Nandito ako ngayon sa Kule at hinihintay na matapos ang News Section meeting. Titiyakin kong makauwi ako sa bahay bago mag-alas otso y medya para hindi ko mapalampas ang ikalawang episode ng Majika para sa linggong ito. Ang pinakagusto kong linya sa theme song ng Majika, na kinanta ni Kitchie Nadal, ay "binhi sa kanyang kinagisnan." Ang ganda!
Pagkatapos ng Majika, maghihintay ako na matapos ang "Sa Piling Mo," na tunay namang nakaka-drag na ang istorya. Sana gawing mas mahaba ang pag-ere sa "My Girl" para mas madaling dumating sa dulo ng kuwento.
Masaya naman ako't nakapagblog ako ngayon. Sori po Apartment sa Dapitan, kasi po sa sobrang busy ay hindi na kita naaupdate masyado. Mahal kita!

2 Comments:
At August 21, 2006 4:07 AM, hesperidium said…
sir! congrats! sa text sana 'to kaya lang po nawala ang cel ko na may number nyo. sana malapit nang ilabas ang pangalawang loyola high. hehe.
At August 21, 2006 4:12 AM, hesperidium said…
innanounce po pala ni ma'am torres-yu sa class namin kaya ko nalaman. congrats po ulit! :)
Post a Comment
<< Home