Apartment sa Dapitan

Thursday, July 27, 2006

Happy Birthday, Jerrie! :)

1.
Ngayon lang uli ako nakapagpost dito sa aking blog. Kapag binabalikan ko ang buwan ng Hulyo, napakaraming dapat kong isinulat pero dahil sa kakulangan sa oras ay hindi ko nagawa. Dapat ay natutulog na ako ngayon sa halip na gumagawa ng entri. Nagchek ako ng sandamakmak na email, naipon ng ilang linggong di pagbubukas; o kung binuksan ko man ay mas pinili kong huwag basahin ang mga email dahil nakadaragdag sa mga kailangang isipin at asikasuhin. Ganoon na ba ako ka-pasibo?

Hindi naman siguro. Marami lang akong ginagawa, labas sa iniaatang ng birtwal na daigdig. Ngayon, heto ako at sinusubukang ibulsa sa blog na ito ang kapiraso ng utak ko. Alam mo, Mykel, masakit ang tiyan ko ngayon. Dahil ba sa apat na saging na kinain mo, kasabay ng piniritong bangus? O dahil sa sobrang yosi. Masakit din ang ulo ko ngayon, dahil sa sobrang yosi, at dahil dapat matulog na ako pero hindi.

2.
Sinubukan kong mag-online sa gmail para makapag-gchat. Pero malamang tulog na si Jerrie, dahil nasa Cebu siya ngayon para sa Student Summit at para sa Solidaridad. Magbibigay raw siya ng talk bukas tungkol sa political killings. Miss ko na si Jerrie. Maulan pa naman kanina, kaya kahit na sumungaw ako sa pinto para tingnan kung may kaunting anag-ag ng buwan kaninang alas otso ay mga tikatik lang ng ulan ang sumalubong sa akin. Okay lang iyon. Sana ay hindi na mawalan ng signal ang aking cellphone.

Birthday na pala ni Jerrie ngayon! Jerrie, maligayang bertdey! Ililibre kita pagbalik mo dito sa Maynila. Tsaka maghahanap ako ng regalo mo! :)

3.
Maganda ang slant ng dokyu ng Reporters Notebook kagabi. Si Maki Pulido ang gumawa. Tungkol kina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno, yung dalawang UP students na dinukot ng militar sa Bulacan. Sana ay maparusahan si Jovito Palaparan at GMA sa lahat ng political violence, aggression, terrorism at killings na ginagawa nila! Sana makita na sina Karen at She.

4.
Lagi kong tinatanong ngayon kung epektibo ba akong guro. Kung may sense ba ang mga itinuturo ko. Kung gaano katotoo ang "opening of minds." Sana ay maging mas aktibo pa ako; mas aktibo tulad ng pagiging aktibo ng inihahayag ni Freire.

1 Comments:

  • At July 27, 2006 2:31 PM, Blogger katmac said…

    hi mykel! miss ko na kayo ni jerrie. ginreet ko na nga siya kanina. anyway yun lang, nako, tigilan mo na yang mga questioning mo sa pagiging prof, ang galing mo kaya. walang echos! :)

     

Post a Comment

<< Home