Apartment sa Dapitan

Saturday, April 22, 2006

No Signal

Madalas na lang walang signal ang bagong second-hand na Nokia 3200 selepono ko. Nakikipagtext lang ako kani-kanina lang kay Dirtypapa tungkol sa mga kabulastugan ng Demonya, tapos biglang nawalan na naman ako ng signal. Kaasar.

O well. Ganun talaga pag second-hand. Kailangang magtiyaga. Wala akong masyadong maisulat ngayon, kahit na marami naman talaga dapat. Tinatamad lang ako siguro talaga. O well. Siguro nga wala ring signal ang utak ko ngayon. I'm so like my new second-hand Nokia 3200 cellphone. Kaasar!

2 Comments:

  • At April 23, 2006 6:01 PM, Blogger mikel said…

    musta na sir mykel? (baka hindi mo na ako maalala. studyante mo ako dati sa hum1 2nd sem,sy 04-05). parati ko binibisita tong site mo simula nung nadiskubre ko (nadiskubre nga ba ang tamang salita gayong matagal na ang site mo at kailan ko lang "nadiskubre"?). at marami akong natututunan. nakakatuwa din. ang kulet ng maraming entries.
    pagpalain ka ni Bathala.

     
  • At April 24, 2006 12:18 AM, Blogger mykel andrada said…

    nung una di ko maalala.kaya pinuntahan ko ang blog mo at oo, natatandaan pa naman kita. sige. kitakits dito sa cyberworld!

     

Post a Comment

<< Home