Imbitasyon: Ang R.A. 1425 sa Loob ng 50 Taon
Liham-Imbitasyon para sa Pambansang Kumperensiya: Batas Rizal
“Ang R.A. 1425 sa Loob ng 50 Taon”
Abril 5, 2006
Mahal na __________________________,
Malugod po namin kayong inaanyayahang dumalo sa Pambansang Kumperensya tungkol sa ika-50 taon ng Batas Rizal, na pinamagatang “ANG R.A. 1425 SA LOOB NG 50 TAON.” Ito po ay idaraos sa Hunyo 19, 20 at 21, 2006 sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman, Lungsod Quezon, sa pagtataguyod ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP Kolehiyo ng Arte at Literatura, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Knights of Rizal, Inc., Sa pangkalahatan, layunin nito na:
1. malagom ang implementasyon ng Batas Rizal sa sistemang pang-edukasyon simula 1956 tungo sa mabisang pagpapatupad pa nito; at mula rito’y makahalaw at makapagmungkahi ng mabisang pagtuturo ng buhay at mga sulatin, partikular ang dalawang nobelang Noli at Fili, sa anyong modyul at iba pang kaparaanan.
2. makapagdulot ng napapanahong kaalaman mula sa bagong pagtanaw at pananaliksik hinggil sa pambansang bayani; at
3. mapalakas ang ugnayan sa lebel na indibidwal at institusyonal sa hanay ng mga kalahok hinggil sa layunin ng kumperensya.
Mayroon po itong registration fee na PhP 3,000 bawa’t delegado, para sa kit ng kumperensya (na naglalaman ng programa, abstrak ng papel at iba pang materyal), meryenda at pananghalian sa loob ng tatlong araw at sertipiko ng pagdalo. Bagaman magbabayad ang mga delegado para sa kanilang akomodasyon, gagawa po ng kaukulang arrangements ang mga tagapag-organisa ng kumperensya sa mga dormitoryong nasa loob ng UP Campus na maaari nilang tirahan. Ilan po dito ay ang UP Alumni Hostel, University Hotel at NISMED Dormitory. Isang opsyonal na lakbay-aral ang isasagawa sa mga makasaysayang lugar at museo ng Intramuros, Maynila sa ika-22 ng Hunyo, at sa mga samahang Rizalista sa Bundok Banahaw, Dolores, Quezon sa ika-22 hanggang 23. Nagkakahalaga po ng PhP 250.00 ang sa Intramuros, kasama na po rito ang transportasyon, mga entrance fee sa museo at 2 meryenda; samantala, PhP 1,500 naman po ang sa Banahaw, kasama na rin po ang transportasyon, pagkain, tulugan at tagapagpadaloy.
Para sa mga dadalo sa kumperensyang ito, mangyari lang pong tingnan ang kalakip na DepEd at CHED Memo at programa ng kumperensya. Para sa mga reserbasyon, ipadala po lamang sa lalong madaling panahon ang inyong reply slips via Telefax 929-0113 o sa mga email address na ito: nilocam@yahoo.com (Dr. Nilo Ocampo, Pangkalahatang Tagapangasiwa), potopotfs@yahoo.com (Dr. Ramon Guillermo), karloiniego@yahoo.com (Prop. Florentino Iniego, Jr.), at lanieabad@yahoo.com (Prop. Melania Abad). Maaari ninyo rin po kaming makontak via SMS sa celfone no: 09186379937 (Prop. Mary Jane Rodriguez) o 09177920799 (Dr. Nilo Ocampo). Maaari ring bisitahin ang website ng kumperensiya: www.batasrizal.blogspot.com para sa iba pang impormasyon.
Inaasahan po namin ang inyong pakikibahagi sa gawaing ito. Magkita-kita po tayo sa Hunyo.
Lubos na sumasainyo,
Nilo S. Ocampo, Ph.D.
Pangkalahatang Tagapangasiwa
Pambansang Kumperensya sa RA 1425
3 Comments:
At April 09, 2006 9:12 PM, tsop said…
Pwede pa bang sumali? Hehe.
At April 10, 2006 1:17 AM, Adam! said…
aba't ang ganda! dalawang rizal!
At April 10, 2006 2:44 AM, mykel andrada said…
SER PAOLO,
gusto po ba ninyong magpanelist sa kumperensiya? :) di ko po kasi alam kung nafinalize na nila doc nilo ocampo ang list ng mga magbabasa ng papel. ito pong imbitasyon ay para sa mga nais dumalo. puwede ko po tanungin si doc nilo or puwede nyo rin po siya iemail sa nilocam@yahoo.com. :)
ADAM,
turuan mo ako ng ibang teknik pag may oras tayo, hehehe. :)
Post a Comment
<< Home