Apartment sa Dapitan

Thursday, January 26, 2006

Tungkol sa Pagbablog

Sumusulat ako ngayong sandaling ito -- sa sandaling ito na may tinga ng lungkot sa utak ko. Kung may problema ka sa pagsasaad ko ng kontekstong ito, problema mo na iyon.

Mahirap pala talagang magsalita sa matatanda, iyan ang napatunayan ko. Pero mas mahirap magsalita sa matatandaang tumatanda ng paurong -- o di kaya naman ay nabubulid sa sarili nilang glorya.

Sa blog pala depende talaga sa interes ng tao ang nais niyang sulatin. May blog nga akong nakita na tungkol sa isang supposedly katulong at ang laman ng blog niya ay mali-maling Ingles tapos puro kapalpakan niya bilang Maid. Meron naman yung blog na puro sex lang ang laman, tapos walang cloaking to anonymity. Meron din naman na puro comics ang entries niya; kamangha-mangha na araw-araw ay pinauunlad niya ang porma (at minsan pati kontent o nilalaman). Meron naman puro pictures lang ang laman ng blog. Ang tawag pala kasi doon ay photoblog.

Meron naman na literary blog. Yung matatayog ang diskurso sa panitikan, sa loob at labas ng Pilipinas; pati nga teoryang pampanitikan na impluwensiyado ng teknolohiya ay napag-uusapan doon. Meron namang diary talaga ang blog. O di kaya'y halo. At kaya niya isinusulat ang mga bagay na iyon, kesyo natatae siya, o nalulungkot dahil sa isang unprecedented event, o kaya dahil nabulyawan siya ng titser, o nagpa-abort -- ang lahat ng ito ay bahagi ng maliit na mundo ng cyberspace -- iba pa rin ang nasa loob talaga ng tao laluna't naipapulandit ito sa birtwal na papel. Diary man, blog, epistolaryo, dahong-talaan, o anuman ang itawag sa talaan ng alaala, wisyo, pagkakamali, opinyon -- ay isang bagay na kaniyang pinagdesisyunan -- at hindi laging para sa illusion of grandeur, o kaya ay yung ibinibintang na lumaki na ang ulo.

Matagal-tagal na rin pala ang blog kong ito. Isa sa mga blog na bahagi ng buhay ko. Bago pa man ito maging titulo ng isang vanity publication KO ay blog ko na ito. At totoo pala yung sinasabi nila na there's no place like home. Sana maging matatag ako at huwag nang magpaapekto sa misconstrued at miscalculated notions ng iba tungkol sa akin at sa blog ko para hindi ko na kailangang lisanin pa ito.

5 Comments:

  • At January 28, 2006 9:46 AM, Blogger Adam! said…

    ang mga hukluban talaga, no? nagmamarunong, 'di naman alam ang mga sinasabi, o kung ano ang pinag-uusapan.

    naisip ko bigla: literary blog kaya 'yung sa akin? o reviews blog? hmm...

     
  • At January 29, 2006 10:42 AM, Anonymous Anonymous said…

    me asteg na literati/palanca awardee na nagbablog..

    si dong delos reyes.. although oldie na sya ay naappreciate nya ang blogging.. eto:

    http://mangkokolum.blogspot.com/

    ang blog mo ay ang kaluluwa mo.. sbi nga ng iba ang iyong simulacrum, ang iyong virtual self..

     
  • At January 29, 2006 4:17 PM, Blogger Adam! said…

    tangina, makoy, ambigat nun, a, simulacrum. 'di ata 'yun kaya ng aking feeble blogger mind!

    pero kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi mo, ibig sabihin nun, ang utak ko, puro comics at babaeng naka-bikining tinutulaan ng mga torpe't ilusyonado?

    at galit din sila sa eraserheads tribute album? how... eclectic.

    sige, mapuntahan nga ang blog ni mr delos reyes... salamat!

     
  • At January 30, 2006 12:30 PM, Anonymous Anonymous said…

    may bagong henerasyon ng blog sa states na ang tawag ny VLOG, short for videoblogging. kung interesado po kayo, pwede kayong tumungo dito:

    http://videoblogging.info/

    /kurimaw

     
  • At January 30, 2006 2:19 PM, Anonymous Anonymous said…

    adam..

    sbi daw nila.. ano ka ba! hndi nmn ako ngsa-subscribe sa mga ganyan.. binabasa ko lng, at ginugulo ko ang utak ko..

    enwey, totoo, na ang blog mo ay ang kaluluwa mo.. sbi nga sa Matrix, ang mental projection ng iyong digital self..

     

Post a Comment

<< Home