Apartment sa Dapitan

Monday, January 09, 2006

Beautiful Boxer

Hindi ko pa napapanood ang Beautiful Boxer. Binrowse ko lang ang DVD copy ko nito kagabi, pero di ko pinanood talaga kasi gusto ko sabay naming panoorin ni Jerrie.

Malamig ngayon dito sa kuwarto ko sa FC. Para akong nasa loob ng barko sa lakas ng tunog at karag ng lumang aircon. Mas matanda pa ata ito sa akin. Pero okay lang. Ambilis talagang lumamig.

Naiihi na naman ako.

* * *

Andami ko na namang tsetsekang papel. Wag sana akong mutain. Buti nga pala at hindi ako nahuli (late) kanina sa 7am na klase ko.

* * *

Maganit ang aking mga buto. Kaunting lakad lang ay nagbabanggan na ang mga kalyo nila. Lumalagatok ang mga buto -- humihingi ng tulong. Pati ang kalamnan ay apektado.

* * *

Nagda-diet ako ngayon. Puro biskwit lang at tubig. Isang beses lang akong kumakain ng kanin sa isang araw. Nararamdaman kong pumapayat ako.

* * *

Pag bagong gupit talaga ako ay binabalakubak ako. Bakit kaya?

5 Comments:

  • At January 10, 2006 5:56 PM, Blogger sofia crappola said…

    erm, sorry, ako yung nagpost nung isang comment. nakalimutan ko na iba na pala ang ginagamit kong blogger name. sowee.

    p.s.
    nood tayo ng jarhead sa january 18 ha. we'll just ogle at jake gylenhaal. hehehe.

     
  • At January 10, 2006 8:55 PM, Blogger mykel andrada said…

    hi sofia valenzuela, malinaw kopya ng transamerica na nabili ko. tsaka mayroon ding dvd ng jarhead doon, pero di ko pa binili kasi clear copy pa lang raw. :) sige, gus2 ko manood sa jan.18! saan?

     
  • At January 11, 2006 10:03 AM, Blogger sofia crappola said…

    mykel,

    sa shangri la kami laging nagpe-premiere. sana maka-score ako ng at least 3 tickets para makahatak pa tayo ng isa pang tao. otherwise, tayong dalawa lang ang makakakita ng muscular physique ni jake g. yummy!

     
  • At January 13, 2006 10:54 PM, Anonymous Anonymous said…

    asteg yan BBoxer..

    at wag ka mgda-dandruff shampoo.. lalo kang magkakabalakubak..

     
  • At January 18, 2006 2:28 AM, Blogger mykel andrada said…

    makoy, panoorin mo ang JARHEAD. :)

     

Post a Comment

<< Home