Trip to Mendiola, Nob. 25
"Ano pong softdrinks n'yo?" tanong ko sa tindera ng pinakaabang sari-sari store na nakita ko sa isa sa mga sanga-sangang daan papuntang Mendiola. "Wala. Kasalanan n'yo kaya wala," ang sagot ng tindera.
Hindi ko na nakuhang bunutin pa ang P20 sa kaliwang bulsa ko. Tumalikod ako at muling sumama sa bulto ng mga raliyista. Kahit na anong tagtag ng paglalakad, ayaw maalis sa utak ko ang sinabi ng tindera. Nakikita ko ang mukha niyang galit sa batok ng mga nasa harapan kong nagmamartsa papunta sa isang tila imbudong interseksyon. Hindi rin ngiti ang nakita ko sa higanteng dilaw na M ng McDonald's. Nakabusangot na mukha ang nakita ko. Ang naaburidong tindera.
Sinundan ito ng mga busina ng mga pampubliko at pribadong sasakyan. Parang bigla kong narinig ang mga estudyante ko sa isang klase na nagsabing kaya raw matrapik sa Maynila ay dahil puro rali ang inaatupag ng mga tao. Kung alam lang nila na ang mga pulis naman talaga ang may kasalanan kung bakit naiimbudo ang mga sasakyan at tao. Nakaharang ang mga pulis sa daraanan ng mga raliyista.
Ihing-ihi ako kanina. Naalala kong may sakit nga pala ako sa kidney. Bigla ko kaninang naisip na, shet, nag-iipon na naman ako ng asin sa katawan. Lagot ang kalusugan ko. Pero kung gaano katindi ang pagiging di-komportable sa pagitan ng aking mga hita, mas matindi ang uhaw ko. Pero mas matindi pa rin ang haplit ng sinabi ng tindera at ng busina ng mga sasakyan.
Sa Pilipinas na marahil masasabing pinakareklamador ang mga tao. Hindi ito nakapagtataka. Kung may mabuting idinulot ng neokolonyal na pamamalakad sa bansa, ito ang tradisyon ng pakikibaka. Mula pa sa kolonyal na pananakop ng mga Kastila hanggang sa "benevolent assimilation" ng mga Amerikano. Walang kaparis ang Pilipinas. Mali. Maraming kaparis ang Pilipinas. Ang Venezuela. Ang Vietnam. Ang Mexico. Ang Maraming-Maraming Bansang tinatakluban ng Estados Unidos at iba pang dambuhalang kapitalistang bansa. Naaalala ko pa rin ang sakit ng haplit ng tindera at ng mga busina.
Pagdating sa mala-imbudong interseksyon, pagkatapos ng mga busina, ang matapang na panghi ng ihi ang nanuot sa aming mga ilong. Sabi ng isang lesbiyanang propesor na kasama namin kanina, "Ginigising tayong higit ng panghi, mga kasama!" at nagtawanan ang lahat. Naghiwalay ang aking mga labi para ngumiti.
Abot-tanaw namin ang Mendiola. Eyesore ang mga pulis. Ang kanilang mga panangga. Ang kanilang mga batuta. Ang kanilang malilisik na mata. Ang kanilang utak na sunud-sunuran sa dikta ng isang bogus na pamahalaan.
Sa Pilipinas ka lang makakakita, na kapag may rali, kasamang nakapakat sa bulto ang iba't ibang tindero't tindera. Mani kayo diyan. Ice cream, limang piso lang. Mineral water. Inihaw na pusit. Balut. Softdrinks. "Kasalanan n'yo kaya wala."
Napakarami pang aral na makukuha sa mga rali. Kahit araw-araw na sumama sa rali ang tao, hindi mauubos ang aral na makukuha dahil hindi pa nalulubos ang panahon at pakikibaka. Hindi pa nalulubos, gayong hindi pa rin nalalaos. At ito ang hindi matatawarang katotohanan. Babalik kami. Lulubusin ang aral. At lulubusin ang laos na pyudal na pananaw sa buhay.
Pagkatapos ng rali, halos isang oras kaming naghihintay ng masasakyan pauwi sa UP Diliman. Nasa Espanya na kami, sa tapat ng St. Thomas Square. Wala pa ang parisukat na ito noong nag-aaral pa ako sa UST. Walang masakyan. Maraming tao gayung tapos na ang rali. Sabay-sabay na naman ang uwian. Sabay-sabay na naman ang labasan ng mga mag-aaral at manggagawa at mga propesyunal. Puno ang mga kainan. Masaya na naman ang mga negosyante. Sa loob ng St. Thomas Square kami kumain. "Ansarap matulog. Anlamig," sabi ni Lanie Abad pagkapasok namin sa parisukat at pagkaupo namin sa mga metalikong upuan. Order ng murang pagkain. Order ng murang Japanese food. Anlaki ng pangalan ng Nestea. May nakalimot sa amin na dapat nga palang iboykot ang lahat ng produkot ng Nestle.
Pagkatapos lumamon, sumaglit kami nina Jonathan at Roselle sa HBC. Bumili ng mga nakaeengganyong sabon, lotion, shampoo, toothpaste at iba pang produkto ng ilusyon ng kagandahan. P52 ang pangkabuuang kailangan kong bayaran. Naalala kong nagbigay ako ng "patak" sa mga kasamang nanghihingi ng pera para makauwi sa kani-kanilang mga komunidad.
Marami pang aral sa Mendiola ang hindi nalulubos. At hinding-hindi, kailanman ay hinding-hindi, malalaos ang Mendio. Kitakits, kitakits uli sa Mendio. (O kung anumang matanaw ng ating hiraya't paa)

1 Comments:
At November 26, 2005 2:01 PM, The Guy in Red Sneakers said…
totoo. nuong una akong sumasama sa rali, hilaw ang mga motibasyon (motibo) ko.
pero kalaunan, mamumulat ka ren.
salamat sa post mong ito.
Post a Comment
<< Home