Para sa mga Tomas Agulto: Ang Mga Makata sa Panahon ng Krisis: Sa Loob (man) at/o sa Labas ng Conspiracy
Ang pamagat ko ngayon ay subtitle ng Asintado forum ng KM 64. Gusto kong hiramin ito para maglinaw ng ilang usapin hinggil sa samu't saring produksyon at reproduksyon ng kahulugan sa halaga at papel ng makata sa isang bansang-estadong tulad ng Pilipinas na palagian namang nasa krisis. Kronik nga raw ang krisis sa bansa, bunga ng nagsasalimbayang imperyalismo, burukrata kapitalismo at pyudalismo. At sa isang lipunang malakolonyal at malapyudal, paano nga ba sinusubukang baguhin ng makata ang kaniyang kinagisnang sistemang pampulitika at pang-ekonomiya.
Hindi naman talaga sa porum ng KM 64 iinog ang entry kong ito. Bagamat marami akong naririnig tungkol sa apatetikong pormalismo ni Lourd de Veyra at sa diumano'y katarsis ni Allan Popa. Mas iinog ang aking pagtalakay na ito sa isang may kahabaang komento na nakuha ko mula kay Tomas Agulto, isang kilalang makata ng kaniyang panahon. Nang bahain ko ang maraming egroups at email accounts ng iba't ibang grupo at indibidwal upang ipabatid ang anti-Gloria na gabi ng tula ng UP AWARE (UP Alliance Working for Arroyo's Removal), isa sa unang sumagot si G. Agulto. Hindi ko siya personal na kakilala. Ni minsan ay hindi ko siya namataan sa anumang pulong o aktibidad ng Akdang_Bayan kung saan pareho kaming kasaping tagapagtatag, diumano. Para maunawaan ng sinumang nagbabasa nito ang konteksto ng panulat kong ito, sinisipi ko sa baba ang buong komento ni Tomas Agulto.
Aniya, "magandang balita ang aktibidad na ito (kahit na medyo may panganib na maging tampulan ng katatawanan, o kakornihan.) ang mungkahi ko para mas maging epektibo
ang okasyong ito tulad ng sinasaaad ng aktibidad: baka pwedeng dalawahin ang programa, habang nasa main room ang orig na poetry reading ng "mga makata para sa pagpapatalsik kay gloria" ay sabayan ng mga ka-abs (akdang_bayan) ng programa sa lobby ng conspiracy at ang pamagat naman ay "gabi ng pagpapatalsik sa makata sa saya ni gloria at pundya ng iba pang pulitiko"
kung merong ganitong programa, di tayo mapagbibintangang magtutulaan tayo sa isa't isa laban
sa pulitiko, Buti sana kung gagawin ang tulaang ito sa plaza miranda at ang audience ay masa, okey lang. pero diyos ko, magiging elitista yata ang mga makata ng bayan kung sarili nilang venue ang tulaan pero pulitiko ang babanatan, tandaan nating kasing bigat din ng kasalanan ng mga pulitiko ang mga makatang nagpuputa sa ilalim ng saya o pundiya ng mga pulitiko,
o di ba, masaya kung tayo tayo ay magtutulaan na may pamagat na "pagpapatalsik sa mga makata sa saya ni gloria at sa pundya ng iba pang pulitiko, ihabol pa natin sa title " noon at ngayon".
Ilang ulit ko munang binasa ito bago ako tumugon kay Agulto. Ang pangako ko kasi sarili, hindi lamang bilang nag-aastang makata, ay magiging diplomatiko ako sa anumang bagay at sa kahit sinuman. Pinag-isipan kong mabuti, bagamat nandidilat na ang panunuya sa kaniyang teksto. Kung papansinin natin ang komento ni Agulto, ang kaniyang hinihirayang projeksyon para sa gabi ng mga makata ay ang paglulunsad ng kasabayang programa sa lobby (labas) ng Conspiracy. Hindi dapat matali sa simplistikong polemikal na erudisyon ng pagtutunggali ang dapat manaig dito. Kung usapin ito ng espasyong politikal, tama si Agulto sa pagsasabing ang gabi ng mga "orig" na makatang anti-gloria ay pumili ng isang espasyong elitista at/o panggitnang-uri. Sa kasong ito, ang Conspiracy. May relatibong hirit rin ito sa hinuha ko hinggil sa labanan ng espasyong pribado at pampubliko. Parang sinasabing: "Bakit sa Conspiracy pa? Dapat sa kalsada o plaza ginagawa ang ganitong mga aktibidad." Na sa tingin ko ay tumpak naman. Ano nga ba naman ang silbi ng mga tulang ipapasalimpad mo lamang sa sumisirkong ihip ng hangin sa loob ng isang malamig na kuwadradong silid ng Conspiracy. Bakit nga ba naman "tayo-tayo" lang ang magtutulaan. Tayo-tayo lang ang magwiwisikan ng laway at pilit na huhuli sa mga salitang pinagbubuno ng mga makata para sa pagpapatalsik kay Gloria.
Sa ganitong punto, ang sigasig sa pagbubuo ng okasyon ay nagkakaroon ng distorsyon dahil sa piniling espasyo. Ngunit, kung tutuusin, ang aktibidad na ito ng UP AWARE, isang alyansang mas malaki ang saklaw kaysa mga reapirmista lamang, ay naglalayong pagbigkisin ang kahit na anumang puwersa at linyang pulitikal basta't naglalayong patalsikin si Gloria. Kaya nga "Working for the Removal of Arroyo" ang operatibong mga salita dahil iginigiit nito na lahat ng paraang polemikal, paraang parliyamentaryo at extra-parliamentaryo, paraang pambatas at labas-sa-batas-ng-estado, ay hinihimok na gawin upang maabot ang layong matanggal sa poder ng kapangyarihan si Arroyo.
Bilang miyembro ng UP AWARE at isa sa mga organisador ng nasabing gabi ng mga makata para sa pagpapatalsik kay Gloria, nais kong ipasalimpad sa birtwal na landscape na ito na walang ilusyon ang gabi ng mga makata na ito ang tanging paraan upang mapatalsik si Arroyo. Gayundin, wala itong ilusyon na ito ang magiging mapagpasiyang puwersa upang tanggalin sa poder si Arroyo. Lalo't higit na walang ilusyon ang programang ito na nakabig at nahamig nito ang lahat ng mga makata upang tumula at kumilos laban kay Arroyo. Sa katunayan, marami sa mga makatang nakasama sa koleksyon ang iba-ibang politikal na linya ang bitbit -- iba-iba at magkakatunggali ang mga tradisyon ng pagtulang pinaniniwalaan -- ngunit masasabing may relatibong pagkakaisa sa proyektong ito ang mga makata ng iba't ibang pampulitikang linya at oryentasyon para sa iisang tunguhin -- ang magpahayag ng diskontento sa kasalukuyang estado.
Kung kaya ang patutsadang lumalang ng kasabay na programa sa Conspiracy, na iminumungkahi ni Agulto na gawin ng Akdang_Bayan, ay isang tipikal na senaryong tila nang-uusig, ngunit sa katunayan ay mapanghati at mapagpanggap. Isang aksiyon nakaugat sa iskemang putsista -- ang lumikha ng gusot kung saan mayroong mas malaking gusot at sigalot. Ang mga makata sa panahon ng krisis ay hindi nangangailang maging mapanghati at masentro sa barkadismong pyudal at binulok na ng personal at burgis na krisis ng titi at toma. Ang sirkulo ng sentimiyentong hungkag dahil sa batakang-etits at banatang-serbesa ay walang patutunguhan kundi ang pusali at kangkungan.
Sa isang bansang kronik ang krisis pampulitika, pang-ekonomiya at pangkultura, ang makata ay isa sa dapat naghahatid ng pagbabago at hindi nagpaparahuyo sa dikta ng pyudal na kultura na ang "matanda ang matalino;" na "nanggaling na kami diyan; papunta pa lang kayo." Ngunit sa katunayan naman ay naglulunoy na lamang sa laos at huwad na pragmatika ng panunudyong patula, kung maituturing man itong progresibong pragmatika. Dahil ang kasalukuyan ay hindi lamang madaraan sa patutsada. At wala ring pinipiling espasyo ang pakikibaka. At walang ilusyon sa pakikibaka. Hindi ito tulad ng vanity publication ng Akdang_Bayan, na tunay na magiging usapin lamang ng banidismo kung hindi rin naman maihahatid sa nakararami. Hindi ito tulad ng epikong pang-estado ng panahon ni Marcos. Hindi ito tulad ng una nang siniphayang sirkumbensiyon. O ang maling akala na namatay ang pagmamakata noong ipinataw ang Batas Militar noon. O, tulad ng atas ni Arroyo na ipabatid muna sa estado ang anumang ilalathala o ilalabas sa publiko ng midya. At lalong hindi tulad ng talang ito na wala pa sa 20% ng pangkabuuang populasyon ng bansa ang nakababasa.
Kaya nga nung Biyernes, Nobyembre 25, 2005 ay kasama ang UP AWARE sa mga nagtangkang magmartsa patungong Mendiola. Kaya nga sa mga nagdaang buwan ay nagluluwal ng protesta ang mga kalsada. Kaya nga sa mga nagdaang araw ay nagnanaknak na sugat ang mapapanghing lagusan ng Maynila at marami pang lunan sa Pilipinas. Kaya nga nakikiisa ang mga makata sa mas maraming Filipino na araw-araw at gabi-gabing kumakalam ang sikmura. Kaya nga nagmamakata at nagmamartsa. At hindi nagmamakata-makataan lang. At lalong hindi nagmamartsa-martsahan lang.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home