Apartment sa Dapitan

Thursday, November 10, 2005

Naruto-kun, Sasuke-kun

1.
Antagal ko na palang hindi nagbablog. Ito naman ang tila laging ginagawang panimula ng kahit na sinong nagbablog na matagal nang hinid nakapag-update (uplate) ng blog niya.

Kaya ko naisipang magsulat ngayon dito ay dahil antagal basahin nitong laptop ko ang episodes 136-136 ng Naruto. May problema ata yung CD. Pero okay lang maghintay kasi medyo napagod ako dun sa last few episodes na napanood ko dahil nagbakbakan-to-the-max sina Naruto at Sasuke sa Valley of the End. Grabe. Sabi nga ni Naruto sa pagwasiwas ni Sasuke ng kaniyang bagong-taglay na kapangyarihan mula kay Orochimaru: "Amazing!"

Nung nanganak si Cheky nitong huli lang, tatlo ang kuting. Natagpuan namin ni Jerrie pag-uwi isang hapon na patay yung isang kuting. Dalawa ang natira: isang orange-puti at isang itim-puti. Pareho silang lalaki. Pinangalanan sila ni Pinky na Naruto at Sasuke, accordingly. Si Naruto, sa anime, ay batang lalaking nagtataglay ng Nine Tails sa kaniyang katawan. Naka-kahel na full-body outfit si Naruto kaya bagay na bagay sa kuting na kahel-puti ang naturang pangalan. Gayundin naman kay Sasuke. Itim ang buhok ni Sasuke sa anime. At kalakhan ay itim ang kulay ni Sasuke na kuting, maliban sa kaniyang dibdib at tiyan at mga dulo ng mga paa na kulay puti. Dinala na sila ni Suyin sa Cavite sa bahay ng mga magulang nina Pinky at Eleyn, dahil hindi na namin kayang mag-alaga pa ng marami. Dinala na rin doon si Cheky. Sa totoo lang, namimiss ko ang mga pusang ito, kahit si Cheky at si Naruto. Pero lalung-laluna si Sasuke.

Pareho ng mga mata at ng pagsara-bukas ng mga talukap sina Cheky, Sasuke at Jerrie.

2.
Tapos na kaming mag-enroll ni Jerrie! Yehey!

2 Comments:

Post a Comment

<< Home