Submit na!
Publikasyong Iglap ng Maikling-maikling Kuwento Hinggil sa Karahasan sa Kilusang Manggagawa
Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga maikling-maikling maikling kuwento o dagli na tumatalakay sa lalo pang paparahas na kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Sa partikular, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay at tumutuligsa sa brutal na pagpaslang kay Ka Fort ng unyon ng Nestle at sa iba pang mga manggagawa at kilusang manggagawang kumakaharap ng pagsasamantala ng mga kapitalista. Gayundin, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay sa patuloy na pagwelga at paglaban ng unyon at mga manggagawa ng Nestle at ng iba pang kolektibong laban ng mga unyon at manggagawa. Ito ang susunod na lalamanin ng espesyal na isyu ng Publikasyong-Iglap.
Ang Publikasyon-Iglap ang kagyat na pagtugon ng mga manunulat hinggil sa kaganapan sa ating bansa. Nauna na na nitong inilathala ang Pakikiramay (2004, pagpugay sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita) at Truth and Consequence (2005, koleksyon ng
Maaaring magpadala ng isang maikling-maikling kuwento kada awtor. Maximum ng tatlong pahina, doble espasyo. Ipadala kasama ang maikling bionote o writer's profile at kontak na mga numero sa mangiglap@yahoo.com at/o mangewan@gmail.com. Para sa mga katanungan, magpadala ng email kina Rolando Tolentino, Joey Baquiran at/o Mykel Andrada o di kaya'y kumontak sa 0915-4413324 at/o 0919-6384488.
Ang deadline ay sa Nobyembre 15, 2005.
2 Comments:
At October 12, 2005 1:57 PM, anamorayta said…
ano ba'ng inaatupag mo sa bago mong apartment?". ngayon lang ako nakadalaw dito a. makikiinom ng tubig... :)
At October 13, 2005 1:36 AM, mykel andrada said…
ana morayta, miss na kita. magkapitbahay lang tayo pero di tayo nagkikita. hay. musta na? tuloy ka. tubig lang ba gus2 mo? eto, meron serbesa. chika, pare! :)
Post a Comment
<< Home