Kasabihan 2005 (Gloria Edition)
ni Michael Francis C. Andrada
“Matalino” na nga ang matsing,
Nanlalamang pa rin.
Ang tumakbo nang nandaya,
Kung matinik ay malalim.
Ang kalabaw na apat ang paa, nadudulas pa;
Ang tao pa kayang nanginginig ang dila.
Hindi nakikilala ang bayani sa salita;
Pero nabobosesan ang taong nandaya.
Kapag may isinuksok,
May mandurukot.
Kapag may nansuksok,
May nangurakot.
Daig ng maagap ang masikap.
Daig ng corrupt ang maagap.
Madali ang maging tao,
Mas madali ang maging aso.
Walang utang sa IMF-World Bank
Na di sa bayan pinababayaran.
Kung sa lahat ng gubat ay may ahas,
Sa sukal pa kaya ng Malacañang.
Ang sakit ng pamahalaan,
Damdam ng buong bayan.
Ang pangako (ng pangulo) ay laging napapako.
Ang di lumingon sa pinanggalingan,
Sa kangkungan ang paroroonan.
Ang pagsisisi ay laging sa huli.
“Matalino” na nga ang matsing,
Nanlalamang pa rin.
Ang tumakbo nang nandaya,
Kung matinik ay malalim.
Ang kalabaw na apat ang paa, nadudulas pa;
Ang tao pa kayang nanginginig ang dila.
Hindi nakikilala ang bayani sa salita;
Pero nabobosesan ang taong nandaya.
Kapag may isinuksok,
May mandurukot.
Kapag may nansuksok,
May nangurakot.
Daig ng maagap ang masikap.
Daig ng corrupt ang maagap.
Madali ang maging tao,
Mas madali ang maging aso.
Walang utang sa IMF-World Bank
Na di sa bayan pinababayaran.
Kung sa lahat ng gubat ay may ahas,
Sa sukal pa kaya ng Malacañang.
Ang sakit ng pamahalaan,
Damdam ng buong bayan.
Ang pangako (ng pangulo) ay laging napapako.
Ang di lumingon sa pinanggalingan,
Sa kangkungan ang paroroonan.
Ang pagsisisi ay laging sa huli.
1 Comments:
At July 31, 2005 12:56 AM, mykel andrada said…
hi eugene! at mas winner ang mga bersiyon mo! winner! :) salamat sa pagbisita. :)
Post a Comment
<< Home