Paroo't Parito
Paroo't parito ang dambuhalang
daga, ang pinakamaitim sa lahat
ng maruruming alaga mo
sa iyong tahanan. Mapapaigtad ka,
yayakapin ang mga tuhod,
at sisitsit ka na parang bubwit.
Magugulat ang dambuhalang
daga, ang may pinakamahabang
buntot sa lahat ng gabi-gabing
bisita mo sa iyong lungga.
Mapapaigtad ka,
yayakapin ang mga tuhod,
at sisitsit ka habang sinasariwa
ang pelikula ni Rio Locsin
nung kaniyang kabataan:
siya na isang taong-daga,
ikinasal sa rodentia,
sa panahong ang pagkalam
ng sikmura ay katulad
ng pagkalam ng sikmura
ng dambuhala mong daga.
Totoo pala.
Dinadaga talaga
ang dibdib.
daga, ang pinakamaitim sa lahat
ng maruruming alaga mo
sa iyong tahanan. Mapapaigtad ka,
yayakapin ang mga tuhod,
at sisitsit ka na parang bubwit.
Magugulat ang dambuhalang
daga, ang may pinakamahabang
buntot sa lahat ng gabi-gabing
bisita mo sa iyong lungga.
Mapapaigtad ka,
yayakapin ang mga tuhod,
at sisitsit ka habang sinasariwa
ang pelikula ni Rio Locsin
nung kaniyang kabataan:
siya na isang taong-daga,
ikinasal sa rodentia,
sa panahong ang pagkalam
ng sikmura ay katulad
ng pagkalam ng sikmura
ng dambuhala mong daga.
Totoo pala.
Dinadaga talaga
ang dibdib.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home